Tennis star Naomi Osaka, buntis
- Published on January 13, 2023
- by @peoplesbalita
Inanunsiyo ni dating world number one tennis star Naomi Osaka na ito ay buntis kaya hindi na ito maglalaro sa Australian Open sa susunod na linggo.
Sinabi nito na magbabalik lamang siya sa paglalaro kapag naisilang na niya ang anak.
Huling naglaro ito ay sa Pan Pacific Open sa Tokyo noong Setyembre.
Mula sa pagiging ranked number 1 noong 2019 ay nasa ranked number 47 na ito ngayon.
Nagwagi ito ng apat na Grand Slam singles titles na kinabibilangan ng Australian Open noong 2019 at 2021 at ang US Open noong 2018 at 2020.
Hinirang din siya bilang world’s top-earning female athlete ng 2022 ng Forbes kung saan kumikita ito ng $511 milyon. (CARD)
-
Utos ni PBBM na gawing simpleng pagdiriwang ng Kapaskuhan sa ahensya ng gobyerno, suportado ni Abalos
NANAWAGAN si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos Jr. ng buong suporta sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na huwag magdaos ng magarbong pagdiriwang ng Pasko sa mga ahensya ng gobyerno at sa halip ay ituon ang mga pampublikong pondo para sa kapakanan ng mga Pilipino. Ayon kay Abalos, dating Kalihim ng Department […]
-
Senado, Kamara nag-convene na sa P5.768 trillion national budget
SINIMULAN na ng bicameral conference committee ang pagtalakay sa P5.768 trillion na 2024 national budget para pagkasunduin ang kanya-kanyang bersyon ng Senado at Kamara. Pinayuhan ni Senate Committee on Finance Chairman Sonny Angara, head ng Senate contingent sa bicam, ang mga mambabatas na gampanan ng mahusay ang kanilang mga tungkulin sa ilalim ng […]
-
3 drug suspects timbog sa Caloocan
LAGLAG sa selda ang tatlong hinihinalang drug personalities matapos matimbog sa magkahiwalay na operation ng pulisya sa Caloocan City. Sa kanyang report kay NPD Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta na ikinasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang buy bust operation kontra kay […]