• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DATING MIYEMBRO NG PHILIPPINE ARMY, NAG-HOLDAP SA PAWNSHOP, ARESTADO

PATONG-PATONG na kaso ang kinakaharap ngayon ng isang dating miyembro ng Philippine Army (PA) nang inaresto matapos nangholdap sa isang pawnshop sa General Mariano Alvarez (GMA), Cavite Miyerkules ng hapon.

 

 

Sa bahay ng isa sa kanyang mga kamag-anak nasundan ang suspek na si  Michael Comutohan y Padilla, 47, dating miyembro ng PA at kasalukuyang nagtatrabaho bilang VIP Security at residente ng Block 38 Lot 7 Town Homes, Brgy Milagrosa, Carmona, Cavite.

 

 

Sa ulat, dakong alas-12:30 kamakalawa ng hapon nang pinasok ng suspek ang RD Pawnshop sa Brgy Gabriel GMA, Cavite at nagdeklara ng holdap.

 

 

Tinangay ng suspek ang mahigit P16,000 cash at  isang unit ng Samsung cellular phone at saka lumabas na tila walang nangyari.

 

 

Batay sa isinagawang backtracking ng kapulisan  sa Close Circuit Television (CCTV), paglabas ng suspek sa pawnshop, sumakay ito ng isang pampasaherong jeep at bumaba sa harapan ng Petron  Gasoline Station  at muling sumakay ng tricycle  patungo sa kanyang kamag-anak sa  Alta Tierra Homes, Brgy. Olaes, GMA, Cavite kung saan siya naaresto sa isang follow up operation  dakong alas-5:30 kamakalawa ng hapon.

 

 

Narekober sa suspek ang tinangay na pera, isang  Glock 23 caliber 40 na baril, isang loaded  na chamber na hindi Mabasa ang serial number, dalawang magazine na may 24 na bala, tatlong unit ng cellphone, isang Granada, tatlong sachet ng hinihinalang shabu, isang set ng tactical clothes at iba’t-ibang identification cards.

 

 

Ang suspek ay nasa kustodiya na ng GMA Police Station habang inihahanda ng kaso laban sa kanya. GENE  ADSUARA

Other News
  • COVID-19 vaccines protektahan vs ‘brownouts’ sa Luzon

    Nag-abiso na ang Department of Energy (DOE) sa ibang ahensya ng pamahalaan na gumawa ng kaukulang hakbang para maproteksyunan ang mga bakuna na nakaimbak sa mga ‘cold storage facilities’ dahil sa posibleng ‘rotational brownouts’ sa loob ng isang linggo o hanggang Hunyo 7.     “Dapat patuloy ‘yung coordination natin sa IATF sa ating mga […]

  • Gagawin ang lahat para maging best ‘Darna’: JANE, na-overwhelm sa naging endorsement ni VILMA

    OVERWHELMED si Jane de Leon dahil may endorsement sa kanya ang Star for All Seasons na si Ms. Vilma Santos bilang Darna.     Isa sa most memorable movies ni Ate Vi ay ang ‘Lipad Darna Lipad’ kung saan tatlo ang director niya – Emmanuel Borlaza, Joey Gosiengfiao at Elwood Perez.     Apat na […]

  • Pagpapatupad ng PhilHealth premium hike, apektado ang sahod ng mga guro

    IPINANAWAGAN ni Assistant Minority Leader at ACT Teachers Rep. France Castro ang apela ng mga guro na suspindihin ang PhilHealth premium hike na lubos na nakaapekto sa sahod ng mga teachers.     “We strongly urge the suspension of the PhilHealth premium hike amid the soaring prices of basic goods, commodities and services. The hike […]