• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DA, inaasahan na bababa ang presyo ng sibuyas sa ₱100-150/kilo sa oras na dumating na ang inangkat na kalakal

INAASAHAN na ng  Department of Agriculture (DA) na bababa ang presyo ng sibuyas  sa halagang ₱100  kada kilo sa oras na dumating na sa bansa ang inangkat na kalakal.

 

 

“We are looking at the ₱100-150 (per kilo) cap. These are estimates only because we have to get first the final price of the importers and the second is that we have to consider also the cost of production of our farmer,” ayon kay DA Deputy Spokesperson Rex Estoperez sa isang panayam.

 

 

Aniya, may 21,060 metriko tonelada ng imported onions “should arrive not later than (January) 27” para protektahan ang mga magsasaka  lalo pa’t inaasahan na rin ang harvest season.

 

 

Aniya, darating ang imported na sibuyas sa “staggered manner,” ibig sabihin, darating ito ng 7-8 araw mula sa araw  na nag-aplay ng permit ang importer.

 

 

Ani Estoperez, ang aplikasyon para sa importasyon  ay nagsimula, araw ng Lunes at magtatagal hanggang bukas. Enero 13, araw ng Biyernes.

 

 

Kinuwestiyon naman ng ilang agriculture groups at mambabatas ang timing ng approval ng onion importation lalo pa’t ang mga local farmers ay inaasahan na magsisimula ng mag-ani ngayong buwan.

 

 

Ayon sa mga ito, ang pag-angkat ay ginawa sana noong huling bahagi ng 2022.

 

 

Sinabi pa rin ni Estoperez na ipinanukala rin nila ang pag-angkat ng sibuyas “as early as September and October of 2022” dahil inaasahan na nila na sisirit ang preesyo ng sibuyas sa holidays, subalit isinantabi ito dahil sa malaking volume ng nakumpiskang sibuyas.

 

 

“Kung parating ng parating ito at pinabayaan natin, papasok na naman ito sa market, sira na naman yung presyo ng harvest ng magsasaka. With that situation, sabi namin wag muna because the off-season harvest eh dumarating din, but nakita namin yung off-season harvest mukhang hindi enough,” paliwanag nito.

 

 

“Then came Dec. 28 when the DA officials met with onion industry stakeholders to set the ₱250 per kilo suggested retail price (SRP) “on the promise of stakeholders that they will encourage farmers” to lower farmgate prices so market prices will also be lower, ayon kay Estoperez.

 

 

“Pero hindi nayari iyon. Nag-lapse nung yung SRP natin January 7 wala pa ring bumababa sa farmgate price to the level of 250 (pesos),” anito.

 

 

Isa pang konsiderasyon ay ang December inflation data, sumirit ng hanggang fresh 14-year high na 8.1%, sinasabing pinakamataas simula November 2008 na pumalo sa  9.1%.

 

 

Samantala, sinabi ni Estoperez na ang sibuyas ay ang main drivers sa 0.3%, upang makapag-rekumenda para mag-angkat para  magkaroon ng karagdagang suplay sa pamilihan.

 

 

Tiniyak naman ng opisyal sa mga magsasaka na aware sila sa mga concerns ng mga ito at protektado niya ang mga ito habang tinutugunan ang epekto ng sibuyas sa inflation rate.

 

 

“Calibrated po yung importation natin on the time and the volume, so pagdating po dito we are expecting na hindi dapat ito makaapekto ng atin pong harvest,” ani Estoperez.

 

 

Sinabi pa nito na ang mahigpit na border controls ay ipatutupad, “with the first one at ports to check on permits and the second one in cold storage facilities to monitor the release of imported supply to local markets.” (Daris Jose)

Other News
  • Navotas LGU humakot ng maraming awards

    HUMAKOT ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng maraming parangal mula sa iba’t ibang ahensya bilang pagkilala sa mga natatanging tagumpay nito sa iba’t ibang kategorya.     “These commendations attest to our dedication to delivering the best services for the benefit of Navoteños. We are grateful and honored that our efforts have been acknowledged. We […]

  • Kasama sana si Sharon pero nagka-aberya dahil sa COVID-19 test” Official trailer ng ‘Easter Sunday’ ng Fil-Am standup comedian na si Jo Koy, napapanood na

    PUMANAW na ang tanyag na celebrity makeup artist and stylist na si Fanny Serrano sa edad na 72 nitong May 11.     Tita Fanny or TF kung tawagin si Serrano ng mga malalapit sa kanyang sa showbiz.     Sa Facebook ng fashion designer na si Dave Ocampo, vice president for External Affairs of […]

  • US Open champ Emma Raducanu, laglag agad sa first match ng Indian Wells

    Agad pinayuko ng Belarusian tennis player na si Aliaksandra Sasnovich ang 2021 US Open champion na si Emma Raducanu sa secound round ng Indian Wells tennis tournament.     Tinalo ng 27-anyos na si Sasnovich ang kampeyon sa score na 6-2, 64.     Nagkaroon ng problema sa accuracy at energy level ang 18-year-old British […]