• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Hinalintulad kung paano gawin ang isang Pinoy breakfast: Sen. IMEE, ipinakita kay BORGY at netizens ang proseso sa paggawa ng batas

KAKAIBANG family bonding ang handog ni Senadora Imee Marcos at kanyang panganay na si Borgy Manotoc, sa isang bagong vlog na libreng mapapanood sa kanyang opisyal na YouTube channel, in-upload na ito kahapon, Biyernes, Enero 13.

 

 

Para sa espesyal na vlog entry na ito, magpapahinga muna sina Sen. Imee at Borgy sa kanilang masaya at nakatatawang mga adventures dahil pag-uusapan nila ang mga basics ng paggawa ng batas na mahalagang malaman ng bawat Pilipino.

 

 

Sa tulong ng ang social media personality na si Juliana Parizcova-Segovia, ipinakita ng Senadora kay Borgy ang proseso kung paano gumawa ng batas gamit ang step-by-step procedure kung paano gawin ang Pinoy breakfast staple na longganisa bilang isang relatable na metaphor.

 

 

Dahil halos 500 panukalang batas na ang kanyang nai-akda sa Senado, ipinaglalaban ni Imee ang mga kababaihan; ang gender equality; kultura at sining; ang kahirapan at gutom at pati na rin ang kapakanan ng mga magsasaka at mangingisda na ilan lamang sa mga adbokasiya na malapit sa kanyang puso.

 

 

Nais lagyang ng konting wit at kasiyahan ng vlog upang mapa-simple ang konsepto ng pagsusulat ng batas para sa mas maintindihan ng mga loyal YouTube subscribers ni Sen. Imee ang isa sa mga trabaho niya sa Senado, sa isa sa
kanyang pinaka-enlightening at informative vlog entries to date.

 

 

Aalamin ang basics ng lawmaking at mag-subscribe sa https://www.youtube.com/c/ImeeMarcosOfficial/featured

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Evacuees kay ‘Odette’ tinututukan vs COVID-19

    Nagbabala ang health expert na si Dr. Tony Leachon sa posibilidad na kumalat ang COVID-19 sa Visayas at Mindanao dahil sa pagsisiksikan ng mga nasalantang pamilya sa mga evacuation centers.     Ipinaalala ni Leachon, dating tagapayo ng gobyerno sa COVID-19, na importante na ma-monitor ng pamahalaan ang sitwasyon sa mga lugar na sinalanta ng […]

  • Publiko pinag-iingat sa mga Istasyon ng EDSA busway

    Nanawagan ang Department of Transportation (DOTr) sa mga pasahero na sumasakay sa EDSA carousel na mag-ingat matapos na may isang tao na wala sa tamang pag-iisip ang naghurementado na may dalang patalim.     Ang pangyayari ay naganap sa Istasyon ng Ortigas Avenue ng Edsa Carousel kung saan ang isang traffic marshal ay hinabol nito. […]

  • DA, tinitingnan ang P80/kg presyo ng sibuyas ngayong taon

    TARGET ng Department of Agriculture (DA) na ibaba ang presyo ng sibuyas ng P80/kg per kilo mula sa P170 per kilo ngayong taon.       Sinabi ni Agriculture Assistant Secretary at spokesperson Kristine Evangelista na inaasahan nila ang  “better supply” ng local onion harvest ngayong taon lalo pa’t hindi nila kinokonsidera ang pag-angkat noong […]