Nahiyang sagutin na kinabog si Vice Ganda: NADINE, ‘di pa rin ma-digest na nanguna sa box-office ang award-winning na ‘Deleter’
- Published on January 14, 2023
- by @peoplesbalita
KUNG sa totoong buhay, probinsyano talaga si Allen Ansay at aminadong hindi siya magaling magsalita ng english, sa kanyang kauna-unahang pagbibida sa GMA Primetime series, ang “Luv is Caught in His Arms,” isang rich/conyo kid ang character na ginagampanan niya.
Pero ang pagiging probinsyano sa totoong buhay pala ang mukhang mas nagpa-inlab kay Sofia Pablo kay Allen.
Sina Sofia at Allen na kilala bilang “Team Jolly” ang mga bida sa serye na collaboration ng network with Wattpad Webtoon Studios na magsisimula ng mapanood sa Lunes, January 16.
Sabi namin sa kanila, mukhang sila na talaga or may M.U.
“Ano lang po talaga, pambata lang na kilig and siyempre, guided din po ni Mom ko. At saka siyempre, alam niyo naman po, ang mga probinsyano, medyo mahigpit sa mga ganyan,” sey ni Sofia.
Kinuwento rin ni Sofia na dati raw, nagtataka si Allen kung bakit daw nagbe-beso or kiss kapag bumabati rito, sanay raw kasi ito na bless o mano lang.
Feeling din ni Sofia, na-impress din siya kay Allen sa pagiging probinsyano nito. Ibang-iba raw kasi sa mga boys sa Manila.
Sey niya, “Feeling ko po, kaya rin po ako sa kanya natutuwa, ‘yung innoncence niya hindi niya alam na nakakatawa pala siya. Hindi siya aware na ‘yung sinasabi niya, nakakatawa.
Bukod dito, pareho raw supportive at masasabing “boto” na sa kanila ang mga mommy nila sa kanilang dalawa.
Lahad ni Sofia, “Sabi po ng mommy niya, ‘Ikaw lang ang pwedeng jowain ni Allen!”
Kahit na mukhang in-love naman talaga sa isa’t-isa sina Sofia at Allen na mga bida ngayon sa bagong primetime series ng GMA-7, ang “Luv is Caught in His Arms” na magsisimula ng umere sa Lunes ng gabi, alam daw nila na marami pa silang pwedeng pagdaanan both as a loveteam and even sa personal.
Pero ngayon pa lang, hoping na sila na forever.
***
DAHIL bukod sa mga awards na nakuha ng pelikulang “Deleter” ay ito na ang record-breaking number 1 sa box-office sa 2022 Metro Manila Film Festival, binigyan ng isang thanksgiving party/presscon ng VIVA ang cast at director ng Deleter sa Greyhound Thai Restaurant sa Rockwell.
Siyempre, present dito ang pinakabonggang star ng pagtatapos ng 2022 at pagsisimula ng taong 2023 na si Nadine.
Isa nga sa mga tanong na ibinato sa kanya ay kung ano raw ang pakiramdam nito na siya ang tumalo kay Vice Ganda sa pagiging number 1 sa MMFF?
“Ano ba naman ‘yung tumalo?,” ang tila nahiyang reaksyon ni Nadine.
Pero ipinaliwanag dito na consistent kasi sa mga nakaraang MMFF, ang pelikula ni Vice ang palaging nagta-top 1 sa box-office.
Sabi na lang niya, “Hindi ko po alam. Kasi, kapag inisip ko po ang mga ganyan, parang unreal siya sa akin. Parang nangyayari ba ‘to? Para siyang panaginip. Kasi nga I guess, hindi rin sanay. Parang bago rin kasi. Tapos ang ganda rin po talaga ng mga nangyayari sa Deleter kaya ang hirap din pong i-digest.”
Nang dahil sa Deleter, tatlo agad ang bagong title na naidagdag kay Nadine. Tila tanggap na nito na siya na ang bagong “Horror Queen” pero pakiusap niya lang, ‘wag lang siyang matype-cast.
Bukod dito, si Nadine rin ang bagong Box-Office Queen at Best Actress ng MMFF.
Wala raw talaga siyang naging expectation sa mga nangyayari lalo na nga at hindi naman daw originally intended ang Deleter sa MMFF.
“Wala po talaga, hindi po namin siya inintend na MMFF. Parang nasabi na lang po sa amin na ilalagay sa MMFF, parang last two days ng shoot namin, hindi po talaga.”
Sa isang banda, inamin ni Nadine na ngayon daw, na-realize na niya na ang pag-arte, pagiging artista talaga ang gusto niyang gawin. Dati raw, talagang inisip na niyang mag-quit.
“Para rito talaga ‘ko, pero may mga times na ayoko ng umarte, ayoko ng mag-artista. Gusto ko na lang mag-business or outside showbiz. I guess, ito lang talaga ‘yung para rito talaga ‘ko and mas na-realize ko pa siya na gustong-gusto ko siyang gawin.
“Before sige, gawan natin ng project. Pero ngayon, mas passionate ako ngayon.”
-
Trillanes, sinopla ni Roque
vMARAMING mga Filipino ang patuloy na nagtitiwala at nasisiyahan kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque bilang tugon sa sinabi ni dating senador Antonio Trillanes IV na bumababa na ang approval rating ni Pangulong Duterte sa Luzon, batay sa isang survey na isinagawa ng Magdalo group. “Hindi […]
-
Emosyonal na ibinahagi ang huling pag-uusap: BOY, dream na ma-interview si MIKE pero ‘di natuloy
EMOSYONAL na ibinahagi ni Boy Abunda ang ilan sa mga naging huling pag-uusap nila ng yumaong kaibigan na si Mike Enriquez sa isang espesyal na episode ng ‘Fast Talk with Boy Abunda’. Sa nasabing episode, madamdaming ikinuwento ng host ng programa ang huling pag-uusap nila ng batikang broadcaster noon bago siya magbalik sa […]
-
Paglahok ni Hidilyn sa national open sa Bohol, exhibition lamang – SWP
BABANDERA ang Pinay Olympian at gold medalist na si Hidilyn Diaz-Naranjo sa gaganaping Smart-Samahang Weightlifting ng Pilipinas National Open Championship na magsisimula ngayong hapon sa Tagbilaran, Bohol. Sa interview kay Samahang Weightlifting ng Pilipinas President Monico Puentevella, nilinaw nito na exhibition muna ang gagawin ng bagong kasal lamang na si Hidilyn. […]