• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Amit at Centeno tatako sa 30th Kamui Women’s World 9-Ball

PUNTIRYA nina Philippine pool queens Rubilen Amit at Chezka Centeno na tuldukan ang pagkauhaw ng bansa sa titulo pagsabak sa 30th Kamui Women’s World 9-Ball Championship sa Jan. 19-22 sa Atlantic City, New Jersey.

 

Umalis sina Amit, 41, ng Cebu, at Centeno, 23, ng Zamboanga para sa isang misyong makopo ang unang kampeonato ng mga Pinay na nagkahalaga ng $30K (P1.6M) sa apat na araw na pasarguhan ng World Pool-Billiard Association (WPA).

 

Pero nahaharap sa mabigat na laban ang dalawang tumbukera ng bansa kontra sa 62 iba pang mga astig ding cue atist sa iba’t ibang panig ng mundo sa torneong may aktuwal na kabuuang papremyong $148K.

 

Isa sa mga astig na kalahok dito na magbabalik matapos ang apat na taong pagliban dahil sa pandema ay si Brit Kelly Fisher, na tinalo ang Austrian na si Jasmin Ouschan sa pagrereyna sa huling huling ediyon sa Sanya, China noong 2019.

 

Naabot ni Amit ang Final 4 sa parehong edisyon pero nabigo kay Ouschan, 9-2. Pinakataas na tinapos ng ‘Pinas ang segunda sa pamamagitan din ng Cebuana player noong 2007 sa Taiwan na pinamayagpagan ni Chinese Pan Xiaoting.

 

Ang torneo ay magpapatupad ng double-elimination format na race-to-7, winner breaks matches, pa-final-16 paiiralin ang knockout, race-to-9 system.

 

Magkadikti sina Amit at Centeno sa world rankings sa pagpanlima at pangwalong puwesto sa WPA, ayon sa pagkakasunod.

 

Motibasyon ni Amit sa korona ang kakulangan nito sa koleksiyon niya tapos na makopo ang dalawang world 10-ball crown, 10 SEA Games gold medal, at isang world 10-ball team title noong nakaraang taon nang makipaggsanib-puwersa kina Carlo Biado at Johann Chua sa Klagenfurt, Austria. (CARD)

Other News
  • MGA DIPLOMATS, ASAWA AT ANAK NA PINOYS, PINAPAYAGAN NG MAKAPASOK

    PINAPAYAGAN na ng Bureau of Immigration (BI) ang mga Diplomats, kanilang asawa at anak na Pinoys batay sa natanggap nilang  resolusyon mula sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF).   Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na sa natanggap nilang resolusyon No. 95  mula sa IATF na pinapayagan nila ang […]

  • Bukod pa kanyang pagiging Navy reservist: KYLE, very vocal sa pagsasabing papasukin ang pulitika balang-araw

    NGAYONG nasa Viva na si Kyle Velino, biglang naiba ang kanyang landas, matapos niyang magpaka-daring noon sa Boy’s Love series na ‘Gameboys’.     Sa ‘Martyr Or Murderer’ kasi, ginagampanan niya ang papel ni Greggy Araneta. Bukod dito, very vocal si Kyle sa pagsasabing nais niyang pasukin ang pulitika balang-araw.   “Medyo sineseryoso ko po […]

  • NAVOTAS NAMIGAY NG BIGAS, MANOK SA 80K FAMILIES

    NAMAHAGI ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng limang kilong bigas at isang buong manok sa bawat pamilyang Navoteño bilang bahagi sa pagdiriwang ng lungsod ng ika-116 na anibersaryo ng pagkakatatag nito.     Pinangunahan nina Mayor Toby Tiangco, Congressman John Rey Tiangco at mga barangay opisyal ang unang araw ng pamimigay ng 116th Navotas Day […]