Deadline ng SIM registration, sa Abril 26
- Published on January 18, 2023
- by @peoplesbalita
NILINAW kahapon ng Department of Information and Communications Technology (DICT) at ng National Telecommunications Commission (NTC) na ang deadline ng SIM registration, na Abril 26, 2023, ay alinsunod sa itinatakda ng batas.
Matatandaang ang mandatory SIM registration ay nagsimula noong Disyembre 27, 2022 at magtatagal lamang ng 180 araw o hanggang Abril 26, 2023.
Gayunman, may ilang users ang nagpahayag ng kalituhan kung ang deadline nito ay papatak ng Abril o Hunyo.
Paglilinaw naman ng regulators, ang deadline ay hindi nagbabago at nananatiling Abril 26, 2023.
“Said deadline is in line with the provisions of Republic Act No. 11934, or the Subscriber Identity Module (SIM) Registration Act, which states that ‘All existing SIMs subscribers shall register the same with their respective PTEs within one hundred eighty (180) days from the effectivity of this Act’,” anila pa, sa isang pahayag.
Sinabi pa ng mga naturang ahensiya na nakasaad sa batas na magiging epektibo ito 15-araw matapos ang paglalathala sa Official Gazette o sa isang pahayagan na may general circulation.
Anila, nilagdaan ito noong Oktubre 10, 2022 at nailathala sa Official Gazette noong Oktubre 12, 2022 at sa isang pahayagan noong Oktubre 13, 2022 naman.
“It therefore took effect 15 days after such publication, or no later than 28 October 2022,” dagdag pa nito.
Sinabi pa ng DICT na bagamat maaari nilang palawigin ang registration, ang goal pa rin nila sa ngayon ay matapos ito sa orihinal na deadline.
Hanggang nitong Enero 11, mahigit na sa 17 milyong SIM cards sa bansa ang nairehistro na.
Ito ay kumakatawan sa 10.47% ng mahigit 169 milyong mobile cellular subscribers sa buong bansa.
-
Ads September 10, 2021
-
Kahit may banta pa ng Covid-19: Wala na tayong gagawing lockdown-PBBM
WALANG balak si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magpatupad pa ng lockdown sa bansa sa kabila nang nananatili pa rin ang banta ng COVID-19 lalo’t may mga nadidiskubreng bagong variants ng coronavirus. Sinabi ni Pangulong Marcos sa kanyang unang State of the Nation Address (SONA) sa Batasang Pambansa Complex sa Quezon City, araw […]
-
Maiintindihan ng JulieVer fans na hindi si Julie Anne: RAYVER, first time na makatatambal si JASMINE sa isang serye
SI Jasmine Curtis-Smith ang makatatambal ni Rayver Cruz sa bago niyang teleserye na ‘Asawa Ng Asawa Ko.’ “Si Jas, lagi ko naman nakakasama, lagi kong nakikita si Jas sa mga events, and sa mga guestings, ‘pag may gathering ng mga artists pero first time, first time to work with her kaya nakaka-excite,” […]