PBBM, titiyakin na may aanihing benepisyo mula sa Maharlika fund
- Published on January 24, 2023
- by @peoplesbalita
TITIYAKIN ng pamahalaan na ang planong lumikha ng first-ever sovereign wealth fund ay akma sa pangangailangan ng Pilipinas.
Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bagama’t kasalukuyang hinihimay ang panukalang Maharlika Investment Fund (MIF) sa Kongreso, sisiguruhin niya na ang pagkakatatag nito ay may mapapala o may maaaning benepisyo para sa bansa.
“We have to design it very specifically to the Philippine condition. And that’s what the legislators are trying to do now – to make sure na babagay para sa atin and it will be a good thing for us. So that’s the process that we’re undergoing now,” ayon kay Pangulong Marcos sa isang panayam bago pa bumalik sa Pilipinas.
Nauna rito, nagsagawa ng soft launch ang Pangulo sa MIF sa idinaos na Philippines’ Country Strategy Dialogue sa World Economic Forum (WEF) sa Davos, Switzerland, araw ng Martes.
Ang panukalang lumikha ng MIF para sa Pilipinas ay nakakuha ng suporta mula sa WEF participants.
Ang pondo ayon kay Pangulong Marcos ay gagamitin para i-diversify o pag-iba-ibahin and financial portfolio ng bansa.
Winika pa ng Pangulo na mayroon din aniyang suhestiyon mula sa business leader na mangalap at makapag-ipon ng pera para sa panukalang wealth fund sa pamamagitan ng initial public offering (IPO), proseso kung saan pinapayagan ang private corporation na magbenta ng kanilang shares of stock sa publiko sa kauna-unahang pagkakataon.
Aniya, kakalkulahin niya ang rekumendasyon kung nararapat sa bansa.
“You know, going on about the fund, the more we study it, the more it is clear that although the sovereign wealth funds around the world have the same name, they’re all very different,” ayon sa Pangulo sabay sabing“They’re different in purpose, they’re different in methodology and of course, they operate in a different context of law.” (Daris Jose)
-
“WEDNESDAY’S” JENNA ORTEGA TAKES A NEW STAB AT HORROR IN “SCREAM VI”
TEEN sensation Jenna Ortega broke away from the pack when she starred in 2022’s Scream and in the Netflix series Wednesday which nabbed the Netflix record for most watched series and recently announced the Season 2 pickup. For her performance Ortega was individually nominated for a 2023 Golden Globe award in the category of Best Television Actress […]
-
Globe Celebrates ‘Inside Out 2’ Movie Release With Special Offers
GLOBE is celebrating the highly anticipated theater release of Disney and Pixar’s “Inside Out 2” with special offers and events for the whole family to enjoy. The exclusive activities will bring together families and friends to create core memories through an unforgettable movie experience, offering a chance to win free tickets to […]
-
Bong Go, hinikayat ang publiko na magpabakuna
HINIKAYAT ni Senador Christopher “Bong” Go ang mga Filipino na maging katulad ng mga NBA fans at magpabakuna laban sa COVID-19 kung gustong makalabas ng pamamahay. “Magpabakuna po kayo kung gusto niyong makalabas ng pamamahay ninyo,” ayon kay Go sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, Lunes ng gabi. “Sa […]