Pinas, bahagi na ng ‘VIP Club’
- Published on January 24, 2023
- by @peoplesbalita
BAHAGI na ng ” VIP Club” ang Pilipinas, listahan ng Southeast Asian countries na may best-performing economy.
Sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na binansagan ng economic leaders sa World Economic Forum (WEF) ang Pilipinas bilang bahagi na nga ng “VIP Club.”
Tinuran ng Pangulo na ang partisipasyon ng Pilipinas sa WEF sa Davos, Switzerland ay nagsilbing “excellent platform” para ipakita ang “strong performance” ng ekonomiya ng Pilipinas.
“Mabuti naman at nakapunta tayo rito, dahil sa pagpunta natin, nasama tayo sa tinatawag nilang VIP Club… ‘Yung VIP Club ay Vietnam, Indonesia, and Philippines. Yun daw ang pinakamagandang ekonomiya sa Asya,” ang wika ng Pangulo.
Ani Pangulong Marcos, nagawa rin niyang makapulong ang global leaders sa global forum, kasama ang ilang foreign investors na nagpahayag ng kanilang hangarin na mag- explore ng business opportunities sa bansa.
“Napakaganda ng mga naging pangyayari dahil napakarami naming nakilala at nakausap na mga sikat na mga economic leaders at mga political leaders at nandito silang lahat,” ang pahayag ni Pangulong Marcos.
Nakapulong ng Pangulo si WEF Founder and Chairman Emeritus Klaus Schwab, kung saan itinuring niyang “a dear friend of the Philippines.”
Pinag-usapan ng dalawa ang “partnerships and collaboration” para tulungan ang Pilipinas na mapanatili ang “equitable and inclusive growth” at makapagbigay ng maayos na buhay para sa mga Filipino.
Nagkaroon naman ng oportunidad ang Pangulo na makapulong at makapalitan ng pananaw ang ilang lider ng bansa at organisasyon gaya nina World Trade Organization (WTO) Director-General Ngozi Okonjo-Iweala, World Bank Managing Director for Operations Axel Van Trotsenburg, International Monetary Fund (IMF) Managing Director Kristalina Georgieva, at dating former United Kingdom Prime Minister Tony Blair.
“The process that we undertook really in Davos was not simply to highlight the new situation, the new economic situation, the new policies, and the new concepts that we are promoting in the Philippines today, but also to learn from the world leaders and the world economic leaders what part the Philippines can play in this fragmented world,” ayon sa Chief Executive sa kanyang arrival speech.
“That was the main theme in this entire forum. [It] is how we bring back cooperation in a fragmented world. And we are seen to play a part in that and especially as a member state of ASEAN (Association of Southeast Asian Nations) and as a leading economy in Asia,” ang pahayag ng Pangulo.
Sa naging pagbisita ng Pangulo sa Davos, binigyang-diin ng Pangulo ang mga polisiya ng administrasyon kabilang na ang Philippine Development Plan, 8-Point Socioeconomic Agenda, at iba pang “policies and legislations” na siyang nagsilbing “spotlight” ng economic reforms ng Pilipinas dahilan para mapanatili ang paglago nito. (Daris Jose)
-
12 nanalong senador naiproklama na
IPRINOKLAMA na ng Commission on Elections na umuupo bilang National Board of Canvassers nitong Miyerkules, Mayo 18, ang 12 senador na nanalo sa nakalipas na May 9, 2022 National at Local Elections. Alinsunod sa NBOC Resolution No. 002-22, iprinoklama na sina Senators-elect Robin Padilla, Loren Legarda, Raffy Tulfo, Sherwin Gatchalian, Francis ‘Chiz’ Escudero, […]
-
P66.2M cash benefit para sa centenarians, walang pondo sa ilalim ng 2023 proposed budget — Tulfo
WALANG pondo na mahuhugot para sa P66.2 million budget para sa cash benefit ng 662 milyong Filipinong centenarians sa ilalim ng panukalang 2023 national budget. Sinabi ni Department of Social Welfare and Development Secretary Erwin Tulfo sa isinagawang House appropriations panel hearing ukol sa panukalang P194 billion budget ng DSWD para sa 2023, […]
-
NADINE, patuloy na lumalaban sa mga kumplikasyon tuwing nagbubuntis at muntik nang makunan
PATULOY na lumalaban ang aktres na si Nadine Samonte sa mga nagiging kumplikasyon tuwing nagbubuntis siya. Sa pinost ng former Kapuso actress via Facebook, muli niyang pinagdaraanan sa kanyang ikatlong pregnancy ang hormonal disorder na Polycystic ovary syndrome or PCOS at Antiphospholipid or APAS. According to the Mayo Clinic website: “PCOS […]