• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malakanyang, kinilala ang nasawing SAF 44

KINILALA ng Malakanyang ang kabayanihan ng  44 Philippine National Police (PNP) Special Action Force (SAF) na  nasawi sa madugong enkwentro laban sa mga terorista sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25 taong 2015.

 

 

“Ngayong ika-25 ng Enero, ating inaalala ang kabayanihang ipinakita ng 44 Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) officers sa munisipalidad ng Mamasapano noong 2015,” ayon sa Presidential Communications Office (PCO) sa isang kalatas.

 

 

“Ang kanilang sakripisyo ay ‘di malilimutan at mananatiling inspirasyon para sa bawat Pilipino,” dagdag na wika ng PCO.

 

 

Matatandaang naging target ng operasyon na tinawag na Oplan Exodus ang international terrorist at bomb maker na si Zulkifli Bin Hir alyas Marwan at Basit Usman.

 

 

Napatay ng mga bayaning SAF troopers si Marwan ngunit ang kapalit nito ay ang 44 na buhay din ng tropa na ipinagluksa ng buong Pilipinas. (Daris Jose)

Other News
  • PBBM, pinasalamatan ang mga Pinoy sa Singapore

    PINASALAMATAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga Filipino sa Singapore sa kanilang nag-uumapaw na suporta sa nakalipas na May 9 national elections.    Nakuha ni Pangulong Marcos ang mahigit sa 36,000 boto ng mga Filipino workers sa Singapore o tatlong beses na kalamangan sa kanyang katunggaling si dating Vice President Leni Robredo.   Sa […]

  • Philippine fencers paghahandaan ang Vietnam SEAG

    Matinding preparasyon ang gagawin ng Philippine Fencing Association (PFA) para sa 31st Southeast Asian Games na iho-host ng Hanoi, Vietnam sa Nobyembre.     Isiniwalat kahapon ni national fencing head coach Rolando ‘Amat’ Canlas sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum online edition ang plano ng PFA na training sa Korea at Hong Kong.     […]

  • Ads September 6, 2021