• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DA, mage-establisa ng 2-MONTH SUGAR BUFFER STOCK

SINABI ni Pangulong  Ferdinand R. Marcos Jr. na mage-establisa ang Department of Agriculture (DA) ng two-month sugar buffer stock para pababain ang presyo at maiwasan ang kakapusan sa hinaharap.

 

 

“Again [for] sugar, to cut down speculation, we are guaranteeing a buffer stock of two months. So hindi magkaka-shortage, hindi dapat tataas ang presyo,” ayon kay Pangulong  Marcos.

 

 

“We are beginning to rationalize this buying schedule, the importation schedule, so that we will match the crop here of the local producers of sugar. Para hindi naman tayo nagpapasok habang mababa ang presyo ng asukal, so para mag-normalize naman ‘yung presyo,”  aniya pa rin.

 

 

Sa isinagawang  sectoral meeting sa Palasyo ng Malakanyang, iniulat ng mga opisyal ng DA na ang umiiral na  retail price ng asukal mula Oktubre 2022 hanggang Enero 2023 ay mataas kumpara sa presyo mula Oktubre 2021 hanggang Enero 2022.

 

 

Iniulat din ng mga ito na “as of January 8,” ang raw sugar production ay nasa 877,028 metric tons (MT), 22.41% na mas mataas kumpara sa crop year’s (CY) 716,485 MT.

 

 

Ang raw sugar stock balance ay nasa  362,263 MT, 0.92% na mas mababa sa 365,633 MT ng nakalipas na crop year o taon ng pag-aani.

 

 

“During the same period, refined sugar production reached 316,829.15 MT, 34 percent higher than last crop year’s 235,838.45 MT, while domestic use of refined sugar for the same period is at 211,832.90 MT, 17.78 percent lower compared to last CY’s 257,646.75 MT,” ayon sa ulat.

 

 

Ang  refined sugar stock balance, sa kabilang dako ay 132,384.55 MT, 8.68% na mas mataas kumpara sa nakaraang CY’s 121,813.25 MT.

 

 

Para sa Sugar Regulatory Administration (SRA), ang projection nito ay negative sugar-ending inventory sa July 2023.

 

 

Kapwa naman hiniling ng Carbonated Soft Drinks (CSD) industry at  major sugar industry stakeholders  ang implementasyon ng supplemental sugar importation program base sa pgtataya na ang kasalukuyang sugar inventory ay matatagal lamang ng hanggang second quarter ng taon.

 

 

Sinabi naman ng CSD industry na “without premium refined domestic sugar to manufacture its products, manufacturers would be forced to impose prolonged shutdowns, which would affect the livelihood of employees.”

 

 

Kapwa naman inirekomenda ng DA at  SRA ang pag-aangkat ng hanggang  450,000 MT ng asukal, kasunod ng naging kautusan ni Pangulong Marcos na panatilihin ang two-month sugar buffer stock at ibaba ang retail prices.

 

 

Idagdag pa rito, para maibaba ang presyo ng asukal, nagbigay naman ng go signal ang  DA para sa pagbebenta ng 80,000 bags ng nakumpiskang asukal sa KADIWA stores sa halagang  P70 per kilo sa oras na maaprubahan ito  ng kinauukulang ahensiya ng pamahalaan gaya ng  finance department at SRA.

 

 

Isang “sugar council,” binubuo ng sugar planters’ federations, ang binuo para pag-usapan ang policy recommendations sa gobyerno para sa sugar industry. (Daris Jose)

Other News
  • Experience Disney’s 100-year Legacy with ‘Wish’

    THE Walt Disney Company is no stranger to creating lasting memories, and as it hits the monumental 100-year mark, it promises to do just that.     Through a century, we’ve cherished its characters, adored its adventures, and been part of a fandom that’s more like a family. Disney is all set to whisk you […]

  • BEA, nag-post nang napakagandang mensahe na tiyak na maraming tatamaan

    MAGANDA ang post na ito ni Bea Alonzo: “Kapag alam mong hindi ka naa-appreciate, lumayo ka na. Kapag hindi ka na mahal, umalis ka na. Kapag ramdam mong hindi ka na belong, umiwas ka na.     “Be strong enough to face the reality na hindi lahat ng gugustuhin mo, gugustuhin ka. In short, Life […]

  • Bakit naka uniform si Fajardo pero hindi naglaro sa SMB vs Magnolia?

    JUNE Mar Fajardo ay naghahanap na maglaro sa susunod na laro ng San Miguel sa PBA Commissioner’s Cup habang naghihintay ng clearance mula sa mga doktor.   Sa wakas ay nagpakita ng uniporme ang six-time.MVP noong Miyerkules, ngunit hindi pinasok ni coach Leo Austria sa 85-80 pagkatalo sa Magnolia noong Miyerkules ng gabi sa Smart […]