• December 20, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOTr, nilinaw na hindi privatization kundi concession agreement ang gagawin ng pamahalaan sa NAIA

CONCESSION agreement at hindi privatization ang planong gawin ng gobyerno sa bagong management contract ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

 

 

Ito ang nilinaw ni Department of Transportation Secretary Jaime Bautista kasunod ng naging pahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na walang plano ang pamahalaan na isapribado ang nasabing paliparan.

 

 

Pagbibigay diin ng kalihim, ang ibig sabihin ng concession agreement ay hindi nangangahulugang ibibigay sa private sector ang asset ng NAIA.

 

 

Paliwanag niya, mananatiling pag-aari ng gobyerno ang assets nito ngunit mga pribadong kumpanya raw ang mamamahala sa operasyon sa paliparan na kasalukuyan din aniyang ipinapatupad sa Macta-Cebu International Airport, at Clark International Airport.

 

 

“Ang ibig sabihin ng Presidente, hindi naman natin ibibigay sa private sector ‘yung assets ng NAIA. Ang ibig niyang sabihin, it’s the private sector who will manage the operations through a concession agreement, which is what we have been doing in two airports now —sa Cebu at saka sa Clark,” ani Bautista.

 

 

Samantala, sa kabila nito ay iginiit naman ng kalihim na ang naturang hakbang na gagawin ng administrasyon ay hindi magbubunsod sa pagtaas ng pamasahe sa nasabing paliparan.

 

 

Kung maaalala, una nang ipinaliwanag ng mga kinauukulan na ang mga paraaan na ito ay layong tugunan ang mga aberyang naranasan sa NAIA noong gabi ng Bagong Taon upang ito ay hindi na muling maulit pa.

Other News
  • NAVOTAS, PSA SINIMULAN NA ANG PAGPAPATALA PARA SA NATIONAL ID

    SINIMULAN na nang Pamahalaang Lungsod ng Navotas, sa pakikipagtulungan sa Philippine Statistics Authority (PSA) ang pagpapatala ng biometric ng Navoteños sa Philippine Identification System (PhilSys).     “The national ID will give them not just proof of their identity, but will make it easier for Navoteños to avail of all social services and government benefits […]

  • DILG ipinasara POGO na ikinakabit sa ‘human trafficking’ sa Pampanga

    ISANG  illegal na Philippine Offshore Gaming Operator ang ipinasara ng Department of the Interior and Local Government sa Pampanga matapos mapag-alamang may kaugnayan diumano ito sa human trafficking ng mga Tsino.     Pinangunahan ni Interior Secretary Benhur Abalos Jr. ang pagpapasara sa “Lucky 99 South Outsourcing Inc.” kasama ang pwersa ng Philippine National Police […]

  • DOJ magsasampa na ng kaso sa PhilHealth

    NAKATAKDANG magsampa ng unang reklamo ang Department of Justice (DOJ) sa mga opisyal na sangkot sa anomaliya sa Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth).   “My office is finishing the complaint with regards the interim reimbursement mechanism. We want make sure it is filed tomorrow,” ayon kay DOJ Undersecretary Adrian Ferdinand Sugay.   Wala namang sinabi […]