• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nonito Donaire Jr. laban kay Jason Moloney, ikakasa na

PATUTUNAYAN ni 40-year old Nonito Donaire, Jr. na hindi pa siya laos sa pakikipagbasagan ng mukha sa nakatakda nitong pagsubok makasungkit muli ng world boxing title.

 

Inutusan ng World Boxing Council (WBC) na lumaban muli ang veteran boxer na si Nonito sa pro boxing, na naging kampeon na sa apat na weight division.

 

Tatapatan ni Donaire si Jason Moloney para sa bakanteng bantamweight title.

 

Inaasahan ang magkabilang kampo na sumagot kung kakagat ba sila sa nasabing laban hanggang Pebrero 17.

 

Naging posible ang matchup na Donaire kontra Moloney matapos ang pag-anunsyo ni Naoya Inoue na ibankante ang unified belt para makaakyat sa junior featherweight category.

 

Sina Moloney at Donaire ang naging numero unong choice ng WBC dahil sila ang mga bantamweight contender.

 

Magugunitang huling lumaban ang Talibon-pride boxer na si Donaire noong Hunyo 7, 2022 kung saan bumagsak siya kay Japanese monster Inoue para sa ikalawang pagkakataon.

 

Samantala, si Moloney naman ay may 4-win streak matapos kumuha ng panalo kamakailan naman kontra Nawaphon Kaikanha. (CARD)

Other News
  • Ilang UV Expess balik kalsada

    Balik kalsada ang may 980 units na UV Express sa kanilang operasyon sa Metro Manila at karatig na mga probinsya noong Lunes matapos ang tatlong buwang pagkahinto ng kanilang operasyon.   Mayroon 47 routes ang binuksan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB )mula sa Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal papuntang Metro Manila.   […]

  • Gobyerno, gagawing ‘better, more responsive’ ang healthcare system sa bansa

    HANGGANG sa matapos ang kanyang termino sa Hunyo 2022 ay nangako si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na gagawin niya ang lahat ng kanyang makakaya para palakasin ang healthcare system sa bansa.     Ang pangakong ito ng Pangulo ay makaraang purihin nito ang inagurasyon ng bagong Dr. Jose Fabella Memorial Hospital (DJFMH) sa San Lazaro […]

  • Tiyak na nagdiwang ang kanilang mga fans: JULIE ANNE, nag-‘i love you too’ na kay RAYVER sa kanilang concert

    TIYAK na nagdiwang ang mga fans nina Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose at Kapuso Hunk Rayver Cruz sa kaganapan sa concert nilang “JulieVerse” last Saturday, November 26, 2022 sa Newport Performing Arts Theater.     Post ng Sparkle GMA Artist Center ang pagsagot ni Julie Anne ng “I love you, too” kay Rayver: […]