Kuwaiti foreign minister, kinondena ang pagpatay sa OFW na si Ranara
- Published on February 1, 2023
- by @peoplesbalita
KINONDENA ng Minister of Foreign Affairs na si Kuwait Sheikh Salem Abdullah Al-Jaber Al-Sabah ang brutal na pagpatay sa Overseas Filipino Worker na Jullebee Ranara sa Kuwait.
Tinanggap ni Sheikh Salem si Philippine Charge d’ Affaires to Kuwait Jose A. Cabrera III, araw ng Linggo sa Ministry of Foreign Affairs (MOFA).
Ayon kay Cabrera, hiniling ni Sheikh Salem sa kanya na iparating ang taus-pusong pakikidalamhati sa pamilya at sa gobyerno nng Pilipinas sa brutal at kalunus-lunos na pagkamatay ni Jullebee Ranara.
Kinondena rin ng nasabing opisyal ang pagpatay kay Jullebee Ranara at sinabing ang salarin na naaresto at kasalukuyang nasa kulungan ay parurusahan para sa nasabing karumal-dumal na krimen.
Tinuran pa ni Sheikh Salem na ang ginawa ng salarin ay hindi kailanman sumasalamin sa pagkatao at asal ng Kuwaiti society, Kuwaiti people, at Kuwaiti government.
Sa isang kalatas na pinost ng Philippine Embassy sa Kuwait sa official Facebook page nito, nagpasalamat si Cabrera para sa kooperasyon at tulong ng mga Kuwaiti authority lalo na sa mabilis na aksyon at pagtugon sa pagtugis at paghuli sa suspek at sa ‘clearances’ para sa shipment ng mga labi ni Ranara.
Sa kalatas pa rin ng embahada, nakasaad dito ang inihayag ni Sheikh Salem na magbibigay ang MOFA sa Philippine Embassy ng lahat ng kakailanganing tulong habang ipinagpapatuloy nito ang pagmonitor sa kaso ni Ranara.
Ipinaalam naman ni Cabrera kay Sheikh Salem na base sa kalatas ni Secretary of Migrant Workers Maria Susana V. Ople, walang ipatutupad na ‘ban’ sa deployment sa Kuwait.
Samantala, sa naturang pulong, tinalakay din nina Sheikh Salem at Cabrera ang bilateral relations sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait at nagpahayag ng mutual commitment sa mas “closer dialogue and engagement” sa pagiitan ng dalawang bansa lalo na sa mga darating na buwan.
Nananatili namang naghihintay ang Philippine Embassy ng official forensic report mula sa mga Kuwaiti authority. (Daris Jose)
-
Malakanyang, pinawi ang pangamba ng publiko na agad na tutukuyin bilang terorista
WALANG dapat na ipangamba ang publiko matapos tukuyin ng Anti-Terrorism Council (ATC) si Communist Party of the Philippines (CPP), founder si Jose Maria ‘Joma’ Sison at 18 na iba pa na mga terorista ng bansa. Sa inilabas na ATC Resolution No. 16 at 17 na pirmado at inaaprubahan ni National Security Adviser (NSA) Hermogenes […]
-
Australian Open organizers papayagan ng makapaglaro si Djokovic
HANDA pa ring tanggapin ng Australian Open si tennis star Novak Djokovic para maglaro sa susunod na taon na magsisimula mula Enero 16 sa Melbourne. Sinabi ni Australian Open tournament director Craig Tiley, na kapag makakuha ng visa ang Serbian tennis star ay papayagan nila itong maglaro sa unang grand slam tournament ng […]
-
Inflation rate ng PH, maaaring pumalo sa 4.3%
MAAARING pumalo sa 4.3% ang inflation rate sa Pilipinas ngayong taon. Sinabi ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno, mas mataas ito sa target na dalawa hanggang apat na porsyento lamang. Pero sa darating na 2023, inaasahang bababa na ang inflation rate sa 3.6%. Ang paiba-ibang datos […]