SIM card registration sa bansa, umabot na sa 15% –DICT
- Published on February 1, 2023
- by @peoplesbalita
UMABOT na sa mahigit 15% ng lahat ng SIM cards sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas ang rehistrado na sa kani-kanilang public telecommunication entities (PTEs) “as of Saturday, January 28.”
Base sa data ng Department of Information and Communications Technology (DICT), may kabuuang 26,637,515 SIM cards ang rehistrado na “as of 11:59 p.m. January 28,” may katumbas na 15.76% ng 168.977 milyon sa buong bansa.
“Broken down, Smart Communications Inc. reported 13.632 million or 20.05% of its 67.995 million subscribers, Globe Telecom Inc. with 10.883 million or 12.39% of its 87.873 million subscribers, and DITO Telecommunity Corp. with 2.121 million or 16.19% of its 13.108 million subscribers,” ayon sa ulat.
Ang IRR ng SIM Card Registration Act ay naging epektibo noong Disyembre 27, matapos tintahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang batas noong nakaraang Oktubre.
Sinasabing binibigyang mandato ng batas ang lahat ng public telecommunications entities (PTEs) na magtatag ng kanilang registration platforms kung saan “they will onboard users who present valid identification cards.”
Ang mga SIM card users ay binibigyan lamang ng 180 araw para iparehistro ang kanilang SIM cards, o manganganib na ma-deactivate ito.
Nauna rito, sinabi ng PTEs na handa na sila para sa registration process, sublit dapat nang asahan ang “birthing pains” sa panahon ng initial stages.
Ipinag-utos naman ng National Telecommunications Commission (NTC) sa PTEs na magsumite ng anumang problema na kanilang mararanasan sa mga users sa panahon ng registration.
“The DICT is working with PTEs to address the public’s feedback so we can improve the SIM Registration experience for everyone,” ayon kay DICT Spokesperson Anna May Lamentillo.
“We also remind subscribers that their personal information remains protected under the Data Privacy Act. Under this law, PTEs are required to secure subscribers’ data with mandatory encryption of data,” dagdag na pahayag nito.
Samantala, para irehistro ang kanilang SIM cards, ang mga users ng DITO Telecommunity Corp. ay maaaring bumisita sa https://dito.ph/registerDITO; Globe Telecom Inc. sa https://new.globe.com.ph/simreg, at Smart at https://smart.com.ph/simreg.
Nagsagawa naman na ang NTC nito lamang unang bahagi ng buwan ng pag-rolled out ng registration ng SIM cards sa mga remote areas sa iba’t ibang bahagi ng bansa, para tumulong sa implementasyon ng SIM Card Registration Act. (Daris Jose)
-
After na magwagi sa ‘2024 New York Festivals’: ‘Black Rider’ ni RURU, nag-uwi ng panibagong parangal
HINDI lang sa Pilipinas namamayagpag ngayon ang bagong single na “Moonlight” ng P-pop group na SB19. Matapos ilunsad noong Biyernes, number 1 sa music charts ng siyam ng bansa ang “Moonlight,” at may 1.1 million views naman ang music video sa YouTube sa loob ng dalawang araw. Sa post […]
-
Curry bagong NBA 3-point King
Tuluyan nang gumawa ng kasaysayan si Stephen Curry ng Golden State Warriors. Inungusan ni Curry si Ray Allen para sa pagiging NBA all-time three-point record holder matapos lampasan ang dating markang 2,973 triples ng NBA Hall of Famer sa 105-96 pagdaig ng Warriors sa Knicks. Ipinasok ng 33-anyos na si Curry […]
-
P6.8 MILYON HALAGA NG DROGA, NASAMSAM SA 3 KABABAIHAN NA TULAK SA CAVITE
TATLONG kababaihan na hinihinalang tulak ang binitbit ng Cavite Police at nasamsam sa kanila ang mahigit P6 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation sa Gen Trias City, Cavite Miyerkules ng gabi. Kinilala ang mga suspek na sina Eman Bongcarawan y Mabandus, alyas “Eman”, 29, isang Lesbian; Norhanah Dirampatin y Didaagun, […]