• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

E-sabong isama sa mga illegal gambling – PNP

NAIS ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Rodolfo Azurin, Jr. na isama ang e-sabong sa listahan ng mga illegal gambling sa bansa.

 

 

Ayon kay Azurin, inirekomenda ng Anti Cybercrime Group sa Kongreso ang pagsasama ng e-sabong sa ilegal na sugal na may parusa sa ilalim ng Presidential Decree 1602.

 

 

Sinabi ni Azurin na  dapat na mabigyan ng kaukulang parusa ang mga service providers na hindi magba-block ng e-sabong websites.

 

 

Ipinaliwanag pa nito na, kailangang naka-block ang website ng e-sabong at hindi lamang tatanggalin ang website dahil maaari pa rin itong ma-access bunsod ng  teknolohiya.

 

 

Nakikipag-ugnayan na rin umanop sila sa Department of Information and Communications Technology(DICT) at National Telecommunications Commission (NTC) upang masugpo ang e-sabong partikular ang mga e-sabong operators.

 

 

Nakaraang taon nang suspindihin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sa pamamagitan ng isang in Executive Order (EO) 9 ang  online sabong sa buong bansa.

Other News
  • Kalahating trilyong piso para sa climate change mitigation

    NAGLAAN ang pamahalaan ng P500 bilyong para sa mga proyektong gagawin nito na may kinalaman sa climate change mitigation.     Sinabi ni Department of Budget and Management Secretary Amenah Pangandaman, na bahagi ito ng 2023 national budget at gagamitin sa mga proyektong ilalatag ng gobyerno para  mabawasan ang masamang epekto ng pagbabago ng panahon. […]

  • WRITERS OF “A QUIET PLACE” ARE NOW FULL-FLEDGED DIRECTORS OF “65”

    SCOTT Beck and Bryan Woods previously triumphed as part of the writing team of A Quiet Place, which took audiences by storm in 2018.       Now, the tandem writes and directs Columbia Pictures’ new futuristic action-thriller 65, starring Adam Driver.     [Watch spot from 65 at https://youtu.be/_daxPsNkIoQ]     “Horror, suspense, action, adventure – that’s the sweet […]

  • ‘Senior High’, more than 2 billion views na sa TikTok: ANDREA at KYLE, may pasabog na eksenang aabangan sa pagtatapos ng serye

    MABUBULGAR na ang lahat ng mga sikreto sa sinusubaybayang Kapamilya teleserye na “Senior High,” na kung saan mayroon na itong higit sa dalawang bilyong views sa TikTok, sa paglabas ng katotohanan sa pagpatay kay Luna (Andrea Brillantes) sa inaabangang “The Ender to Remember” finale sa Enero 19.       Pagkatapos ng matinding imbestigasyon, malalaman […]