• June 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

4th leg PH Dragon Boat Federation Regatta: Philippine Army Dragon Warriors kampeon!

Ipinagpatuloy ng Philippine Army Dragon Warriors ang kanilang sunod-sunod na panalo ngayong taon matapos maghari sa ikaapat na leg ng Philippine Dragon Boat Federation (PDBF) Regatta noong Linggo.

 

Nagtagumpay ang Army men sa 200-meter women’s mall boat, 200-meter Standard Mixed board; at 200-meter Standard Open boat categories sa kompetisyon na ginanap sa Dolomite Beach, Manila Baywalk.

 

Minarkahan ang tagumpay ng malinis na pagwalis ng Dragon Warriors sa PDBF Regatta na nagpatuloy noong nakaraang taon matapos ang pagkansela ng mga sporting event dahil sa pandemya.

 

Sinimulan ng Philippine Army ang 2023 sa matagumpay na kampanya sa Mayor’s Cup Spring Festival Dragon Boat Race na ginanap noong Enero 21-22 sa Cagayan de Oro City.

 

Pinamunuan ng Army paddlers ang 1,000-meter Catch the Rabbit Tail Standard Mixed Crew, 300-meter Standard Mixed Crew, at ang 300-meter Standard Open Crew na mga kategorya.

 

May kabuuang 636 paddlers mula sa 17 elite teams sa buong bansa ang lumahok sa pinakamalaking dragon boat race sa Cagayan de Oro.

 

Ang Army Dragon Warriors, isa sa mga founding member ng PDBF, ay naging isang powerhouse team mula nang mag-debut ito sa lokal na dragon boat noong 2010.

 

Nag-uwi sila ng mga gintong medalya noong International Dragon Boat Federation-sanctioned World Dragon Boat Championships sa Italy (2014) at Australia (2016). (CARD)

Other News
  • Ridley Scott’s “Napoleon” Starring Joaquin Phoenix Storms Global Box Office

    Ridley Scott’s ‘Napoleon,’ starring Joaquin Phoenix, storms the global box office with a stunning $78.8 million opening weekend. Explore the film’s journey to success and still showing in the Philippines.   Director Ridley Scott’s latest masterpiece, “Napoleon,” has emerged as an undisputed champion at the box office. This action-packed historical epic, graced by the talents […]

  • Webinar ukol sa Financing PH shock-responsive social protection, isinagawa

    NAGSAGAWA ang House Congressional Policy and Budget Research Department (CPBRD) at UNICEF Philippines ng knowledge sharing webinar na pinamagatang “Lessons on Financing Shock-Responsive Social Protection in the Philippines.”     Sa pagbubukas na pahayag, sinabi ni CPBRD Deputy Secretary General Dr. Romulo Emmanuel Miral Jr. na nagsasagawa na ang House Secretariat ng mga rekomendasyon para […]

  • PBBM, patungong Davos para sa misyon na selyuhan ang investments, mag-uwi ng mas maraming hanapbuhay para sa mga Pinoy

    LUMIPAD na si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. patungong  Davos, Switzerland, araw ng Linggo para manghikayat at makasungkit ng mas maraming investments sa  World Economic Forum (WEF). Layon ng Pangulo na itulak ang kahandaan ng bansa sa mga gampanin sa regional at global expansion plans habang ang bansa ay bumabawi mula sa epekto ng pandemya. […]