• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Stephen Curry no match kay Taylor Robertson pag dating sa tres

Nagkita ang National Basketball Association all-time 3-point leader at United States National Collegiate Athletic Association women’s all-time 3-point leader sa Oklahoma City nitong Lunes.

 

Bago hinarap ng Golden State ang Thunder, nakipag-tsikahan muna si Stephen Curry kay Taylor Robertson ng University of Oklahoma Sooners.

 

Noong Sabado, nilista ni Robertson ang career 3-pointer No. 498 sa 86-78 loss ng OU kontra Iowa State Cyclones. Binura ng guard ang dating record ni Kelsey Mitchell ng Ohio State, hawak na niya ang most triples sa men’s at women’s basketball sa kasaysayan ng NCAA Division I.

 

Suot pa ni Robertson ang No. 30 ni Curry sa Warriors habang nakatayo sa sidelines ng Paycom Center, pinapanood ang two-time MVP sa warmup. Maya-maya, nilapitan siya ni Curry.

 

Bago ‘yun, may video message ang Golden State star kay Robertson.

 

“I know you’re going to keep adding to that number, and hopefully make it something that will never be broken,” ani Curry. “To go from making eight 3s in your first college game against Western Kentucky to now 498 … that is amazing, amazing accomplishment. I only made 414 3s in college, so you’ve had me beat.” (CARD)

Other News
  • BATAS na nagpapaliban sa Barangay, SK elections sa Disyembre 2022 pirmado na

    TININTAHAN na ni Pangulong  Ferdinand  Marcos Jr. ang batas na naglalayong ipagpaliban ang nakatakda sanang  Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa Disyembre 2022.     Nilagdaan ng Pangulo ang Republic Act (RA) No. 11935, nito lamang Lunes,  Oktubre 10, batas  na naglalayong ipagpaliban ang Barangay at SK elections na nakatakda sana sa Disyembre 5  […]

  • Ads August 4, 2021

  • Pope Francis, 2-araw nang may sakit

    KINANSELA ni Pope Francis ang lakad niya noong Pebrero 28 dahil sa masama umano ang kanyang pakiramdam.   Ayon sa The Vatican, may ubo at sipon ang 83-anyos na Santo Papa.   Noong Huwebes, Pebrero 27 ay hindi rin natuloy ang kanyang misa kasama ang mga pari sa Roma.   Ang pagkakasakit ni Pope Francis […]