• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Classroom shortage, top priority dapat ng –DepEd

NAIS ng mga nakakaraming Filipino na unahin at resolbahin ng Department of Education (DepEd) ang kakulangan sa mga silid-aralan.

 

 

Base sa survey na isinagawa ng Pulse Asia noong Setyembre 17-21,2022, tinanong ang 1,200 respondents kung alin sa mga nakalistang isyu ang dapat aksyunan.

 

 

Nasa 52% ang tumukoy sa kakulangan ng silid aralan, 49% sa school learning resources tulad ng aklat at computer habang 45% naman ang nagsabi sa kakulangan ng guro.

 

 

Kasunod ng mga pinatutugunan ng mga Filipino ay ang kalidad ng edukasyon, kakulangan ng text books, drug testing sa mga estudyante, mababang sahod ng mga guro, medium of instructions o wika sa pagtuturo, mga pagkakamali sa text books at competence ng mga guro.

 

 

Kabilang din sa mga pinatutugunan ang P2,000 allo­wance para sa mga estudyante na self supporting at ang seguridad ng mga bata dahil uso ang kidnapping.

 

 

Base sa 2019 National Building Inventory na 167,901 ang kakulangan ng classroom sa buong bansa at nang talakayin ang pambansang budget ngayong taon ay natukoy na kailangan ng P420 bilyon para matugunan at maipagawa ang lahat ng kinakailangan na silid-aralan. (Daris Jose)

Other News
  • Yee, Davao binulaga ang San Juan sa Game 1 OT

    KUMANAW si ex-pro Mark Yee ng all-around game nang gulantangin ng Davao Occidental Tigers-Cocolife ang defending champion San Juan Knights Go For Gold sa overtime, 77-75, para sa 1-0 lead  sa pinagpatuloy na 3rd Maharlika Pilipinas Basketball League Lakan Cup 2019-20 National Finals best of five series sa Subic Bay Gym Miyerkoles ng gabi.   […]

  • Ads May 14, 2021

  • Sa pagtulong sa mga nangangailangan, walang politika- in helping the needy – DSWD

    NANINDIGAN si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian na walang halong politika sa pagtulong ng departamento sa mga nangangailangan o humihingi ng tulong.     Sinabi ni Gatchalian na tumutulong sila sa mga nangangailangan kahit mayroon o walang referral mula sa mga politiko.   “Every day naman kahit walang referral ‘pag […]