• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Single ticketing system sa NCR, sisimulan na sa Abril

INAASAHANG  masisi­mulan na sa buwan ng Abril ang implementasyon ng single ticketing system sa National Capital Region (NCR).
Mismong si San Juan City Mayor Francis Zamora, na siya ring pangulo ng Metro Manila Council (MMC), ang nag-anunsiyo ng naturang development matapos ang pulong na idinaos ng council.
Nabatid na inaprubahan na rin naman ng MMC ang Metro Manila Traffic Code na gagamitin sa single ticketing system sa rehiyon.
“Within April, realistic ‘yan. Like what I’ve mentioned earlier, after today, it has been approved already. Aandar na ‘yung proseso natin,” ayon pa kay Zamora.
Dagdag pa ni Zamora, kinakailangan ding amiyendahan ng mga concerned local go­vernment units (LGUs) ang kani-kanilang mga ordinansa kaugnay ng mga polisiya sa trapiko bago sumapit ang Marso 15. Matatandaang una nang nagkasundo ang mga Metro Mayors na bumuo ng single ticketing system upang magkaroon ng unipormadong polisiya sa mga traffic violations at pe­nalty system sa NCR.
Sinabi naman ni Metropolitan Manila Development Autho­rity (MMDA) chairman Romando Artes na ang MMDA ang siyang sasagot sa gastos ng mga kakailanganing ka­gamitan para sa bagong sistema.
Other News
  • TWG binuo ng DCC subcom upang pagsama-samahin ang mga panukala sa programang “balik-probinsya”

    Isang technical working group (TWG) ang binuo ng New Normal Cluster of the Defeat COVID-19 Ad-Hoc Committee (DCC) sa kamara para pagsasama-samahin ang limang panukala na naglalayong buuin ang Balik Probinsya Program.   Ito ay ang House Bills 6762, 7072, at 7111 na bubuo sa “Balik Probinsya, Bagong Pag-Asa” Program; HB 6970 na naglalayong gawaran […]

  • Senado binigyang pagkilala ang tagumpay ng Powerlifter ng bansa sa 2022 Southeast Asian Cup

    Binigyang kilala ng senado ang Powerlifting Association of the Philippines dahil sa paghakot nila ng mga medalya sa katatapos na 2022 Southeast Asian Cup sa Malaysia.     Sinabi ni Senate Majority Leader Joel Villanueva na mayroong kabuuang 78 medalya ang kabuuang nakuha ng Pilipinas.     Sa nasabing bilan ay mayroong 23 gold medals, […]

  • Dwight Howard tiniyak ang tulong sa mga biktima ng lindol sa Taiwan

    Tiniyak ni dating NBA star Dwight Howard na tutulungan niya ang Taiwan matapos na tamaan ito ng malakas na paglindol.   Si Howard ay kinuha ngayon ng Taoquan Leopards ng Taiwan Basketball League mula pa noong 2022.   Naglabas ito ng video kung saan tiniyak niya sa mga mamamayan ng Taiwan na tutulungan niya ang […]