• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MAY KAPANGYARIHAN BA ang LGU na MAG-EXTEND ng PRANKISA o SPECIAL PERMIT ng PUBLIC TRANSPORT?

WALA.

 

 

Ayon sa Executive Order 202, ang LTFRB ang may kapangyarigan gawin ito dahil ito ay delegated power ng Kongreso sa nasabing Ahensya.

 

 

Pero paano kung ang hindi pagbigay ng prangkisa o pag extend ng special permit ay hindi nagawa ng LTFRB? May magagawa ba ang LGU para sa kapakanan ng mga pasahero? Ito ang problema na pinarating ng mga LGU, pasahero at transport operators sa Gobernadora ng Cebu.

 

 

Noong panahon ng pandemya ay binuksan ang ilang ruta sa lalawigan ng Cebu.

 

 

At para kaagad may pumasada ay binigyan ng special permits ng LTFRB ang ilang transport operators para pumasada sa mga nasabing ruta.  Kamakailan ay na expire ang mga special permits, kaya ang mangyayari ay babalik sa kani-kanilang mga dating ruta ang mga pumapasada at iiwanan nila ang ruta kung saan nag expire ang special permits na binigay sa kanila.

 

 

Ang resulta daan-daang mga pasahero ang maaapektuhan at walang masasakyan. Bakit umabot sa ganito ang problema? Bakit hindi na-extend ang mga special permits?

 

 

Para lutasin ang problema ay naglabas ng Executive Order no. 5 series of 2023 ang Gobernadora ng Cebu – Allowing PUVs with Special Permits to continue plying their routes for the comfort and convenience of the Cebuanos in the Province of Cebu up to March 17, 2023.

 

 

Marami ang nagtanong? Hindi ba mali ang LGU ng Cebu dito dahil tanging LTFRB lang ang dapat gumawa nito? Tama ba ang ginawa ni Gobernadora?

 

 

Heto po ang tingin ng Lawyers for Commuter Safety and Protection (LCSP) dito – Una ay hindi nag issue ng prangkisa o nagpalawig ng special permit ang LGU ng Cebu. Ang sabi lamang ng Executive Order ay PAHIHINTULUTAN nila ang mga units na may special permit na ITULOY ang kanilang pamamasada para sa comfort at convenience ng mga pasaherong Cebuano. Bakit kailangan ito? Upang hindi ma out-of-line colorum ang mga units. Kung walang pahintulot ay maari silang hulihin na out-of-line colorum.

 

 

Pero bakit hindi nalang i-extend ng LTFRB Regional Director ang mga special permits? Yan ang dapat itanong sa kanya at bakit umabot sa ganitong problema?

 

 

Pero hindi ba’t sabi natin na tanging LTFRB lang ang pwede mag issue ng franchise at mag extend ng permit?

 

 

Mukhang alam ito ng LGU kaya sa Executive Order ay iniwasan nilang bangitin ito.  Sabi lamang nila na ALLOWING PUVS WITH SPECIAL PERMIT TO CONTINUE THEIR ROUTES UNTIL MARCH 17, 2023.

 

 

Hindi nag issue ng franchise ang LGU at hindi nila in-extend ang special permit. Ibig sabihin lang ay basta may special permit (expired man o hindi) payag ang LGU na mamasada sila sa mga ruta na inilahad sa Executive Order.

 

 

Ano basehan ng LGU ng Cebu? Ang Local Government Code kung saan kapangyarihan ng LGU to ENSURE DELIVERY OF BASIC SERVICES to the people at ang transport ay basic service.

 

 

Sa usaping ito ay maaring i-challenge ng ilan ang Executive Order no. 5 2023 na labag sa batas. Pero sa tingin ng LCSP tiniyak lang nila na may masasakyan ang mga Cebuano sa nga rutang binuksan ng LTFRB – walang prangkisa na inilabas at wala ring special permit na inextend.

 

 

Sa huli ay kailangan magpaliwanag ang Regional Director bakit nagkaroon ng ganitong problema. (Atty. Ariel Inton)

Other News
  • CARMINA at ZOREN, nagkaiyakan sa pag-send off nila kay MAVY na sasabak sa first lock-in taping

    NAGKAIYAKAN ang pamilya nila Carmina Villarroel at Zoren Legaspi dahil sa pag-send off nila kay Mavy Legaspi sa unang lock-in taping nito.     Kasama si Mavy sa teleserye na I Left My Heart In Sorsogon kunsaan bida sina Heart Evangelista at Richard Yap.     Nag-share ng video si Mina on instagram na nagyayakapan […]

  • ‘Senior High’, more than 2 billion views na sa TikTok: ANDREA at KYLE, may pasabog na eksenang aabangan sa pagtatapos ng serye

    MABUBULGAR na ang lahat ng mga sikreto sa sinusubaybayang Kapamilya teleserye na “Senior High,” na kung saan mayroon na itong higit sa dalawang bilyong views sa TikTok, sa paglabas ng katotohanan sa pagpatay kay Luna (Andrea Brillantes) sa inaabangang “The Ender to Remember” finale sa Enero 19.       Pagkatapos ng matinding imbestigasyon, malalaman […]

  • QCPD ipinagdiwang ika-85 taong pagseserbisyo sa Qcitizen

    IPINAGDIWANG ng Quezon City Police District (QCPD) ang kanilang ika-85 taong anibersaryo na may temang “Tayo ang QCPD: May Dangal, Disiplina at Kasanayan, Kaagapay ng Pamayanan Tungo sa Ligtas at Maunlad na Bukas” sa M.I.C.E Center, Quezon City Hall, Quezon City.       Ayon kay QCPD Director PCol. Melecio Buslig Jr, patuloy pa rin […]