• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinas, US, muling sisimulan ang joint patrols sa South China Sea

MULING magsasanib-puwersa ang Pilipinas at  Estados  Unidos pagdating sa mga  joint naval patrols sa  South China Sea.

 

 

Kasunod  ito ng pagbibigay sa Amerika ng mas malawak na access sa mga miltary base ng Pilipinas sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation  Agreement (EDCA).

 

 

“The United States and the Philippines have agreed to restart joint patrols in the South China Sea as the longtime allies seek to counter China’s military rise,” ayon sa kalatas ng  US Defense Department.

 

 

Matatandaang, kapuwa sinuspinde ng dalawang bansa ang  maritime patrols sa napakainit na pinagtatalunang lugar sa ilalim ng liderato ni dating Pangulong Rodrigo Roa  Duterte.

 

 

Sa naging pagbisita sa Pilipinas ni  US Defense Secretary Lloyd Austin, sinabi nito na siya at ang kanyang Philippine counterpart na si Carlito Galvez ay  “agreed to restart joint maritime patrols in the South China Sea to help address (security) challenges.”

 

 

Inanunsyo rin nina Austin at Galvez ang isang kasunduan na bigyan ang tropa ng Amerika ng  access sa apat pang bases sa  “strategic areas” sa Southeast Asian nation.

 

 

Ang mga kasunduan ay bunsod na rin ng hangarin ng dalawang bansa na kumpunihin ang ugnayan na nabali sa ilalim ni dating Pangulong Duterte, na sinasabing di umano’y pinaboran ang China kaysa sa dating colonial master ng bansa.

 

 

Masigasig naman ang bagong administrasyon sa ilalim ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.,  na plantsahin ito. (Daris Jose)

Other News
  • April 30 ang huling deadline ng consolidation

    DINIIN ng Department of Transportation (DOTr) sa pangunguna ni DOTr Secretary Jaime Bautista na huling extension na ang deadline sa darating na April 30 tungkol sa public utility vehicle modernization program (PUVMP) ng pamahalaan.       “I think this will be the last and final extension. This is the eight time that we are […]

  • Galvez nag-sorry sa mga ‘lapses’ sa protocols sa dolomite beach

    Humingi ng paumanhin sa publiko si National Task Force Against COVID-19 (NTF) chief implementer at vaccine czar Carlito Galvez Jr. sa pagdagsa ng maraming tao sa dolomite beach sa Manila Bay.     Pinangangambahan kasi ng ilang health experts na maging super spreader event ang pagpunta ng libu-libong katao sa white sand area ng Manila […]

  • Subvariant ng Omicron, ‘di pa variant of concern

    HINDI pa dapat mangamba ang publiko sa nakapasok sa bansa na BA.2.12 subvariant ng Omicron variant ng COVID-19.     Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na ang nasabing subvariant ay hindi pa tinukoy ng World Health Organization (WHO) bilang variant of interest o variant of concern.     Muli niyang hinikayat ang publiko […]