• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, nangako na poprotektahan ang kapakanan ng mga OFWs, palalakasin ang partnerships sa host countries

NANGAKO si Pangulong  Ferdinand Marcos Jr. na palalakasin ang  partnerships sa mga bansang  nagho-host  ng overseas Filipino workers (OFWs).

 

 

Sa kanyang vlog  na ipinalabas, araw ng Sabado, sinabi ni Pangulong Marcos na titiyakin ng gobyerno ng Pilipinas ang proteksyon ng mga OFWs at ng kanilang pamilya bilang pagkilala sa kanilang naging kontribusyon sa bansa.

 

 

“Ang tanging maisusukli ko sa inyong hindi matatawarang kontribusyon sa ating lipunan ay masiguro ko ang inyong proteksyon, ang inyong kalagayan, at ang kalagayan ng mga naiwan ninyong pamilya sa ating bansa,” ayon sa Pangulo.

 

 

“Ang tanging maisusukli ko ay ang patuloy na pagpapatibay ng ating ugnayan sa mga kinatawan ng bawat bansang kinaroroonan ninyo ganyan ang pakay natin lagi. Gaya noong isang araw tinipon natin ang ambassador ng iba’t ibang bansa sa Palasyo,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Nauna nang nakipagpulong si Pangulong Marcos  sa mga diplomatic corps para sa tradisyonal na  vin d’honneur na isinagawa sa Malakanyang.

 

 

Sinabi pa ng Pangulo na magbibigay ang  national government  ng scholarships at pabahay sa pamilya ng mga OFWs.

 

 

“Kung sila ay babalik at naghahanap ng bagong trabaho eh tutulungan natin sila training yung tinatawag na reskilling and upskilling dahil ito yung ibang trabaho na lumalabas na highly technical kaya’t itetraining natin ang ating mga OFW para kaya nila makipag kompetensya sa labor market sa buong mundo,” ang wika nito.

 

 

Aniya pa, pagsusumikapan ng pamahalaan na makapagtayo ng malakas na ekonomiya  upang sa gayon ay  maging kaakit-akit ang bansa na tirhan at magtrabaho para sa mga dayuhan at mamamayang Filipino.

 

 

“Masipag, maasahan, mahusay, magaling makasama, at mag-adjust kung nasaan man sila yan ang Pinoy tinitingala ng ibang lahi at ginagalang sa kanilang mga larangan,” anito. (Daris Jose)

Other News
  • VACCINATION SITES SA POOLING CENTER, COMELEC, HINDI PABOR

    HINDI pabor ang Commission on Elections (Comelec) sa mungkahi ng  Department of Health (DOH) na maglagay ng vaccination sites malapit sa  polling centers sa May 9, election.     Ayon kay Comelec Commissioner George Garcia, nais nilang tumutok  sa main event sa araw na iyon na ang mga mamamayang Pilipino ay bumoto.     “Personally, […]

  • Presidential aspirant Yorme Isko Moreno, suportado ng mga Cebuanos

    LIBO-libong supporters ang sumalubong kay Manila Mayor at presidential aspirant Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa Cebu sa kanyang pagbisita sa nasabing lalawigan bilang bahagi ng kanyang “listening tour” na nakatutok sa mga pangkaraniwang tao. Hindi magiging ganap ang pagdalaw ng alkalde sa Cebu kung hindi matitikman ang malutong at masarap na Cebu lechon.     […]

  • Nonito Donaire Jr. laban kay Jason Moloney, ikakasa na

    PATUTUNAYAN ni 40-year old Nonito Donaire, Jr. na hindi pa siya laos sa pakikipagbasagan ng mukha sa nakatakda nitong pagsubok makasungkit muli ng world boxing title.   Inutusan ng World Boxing Council (WBC) na lumaban muli ang veteran boxer na si Nonito sa pro boxing, na naging kampeon na sa apat na weight division.   […]