GSIS non-life insurance premiums, pumalo sa record-breaking na P6.8 B noong 2022
- Published on February 7, 2023
- by @peoplesbalita
INIULAT ng Government Service Insurance System (GSIS) ang record-breaking P6.8 billion na gross premiums written (GPW) sa kanilang non-life insurance business para sa taong 2022.
Ito ang pinakamataas na naitala ng GSIS sa kanilang kasaysayan.
Ang 2022 GPW ng GSIS ay tumaas ng 15% mula sa P5.9 bilyong piso noong nakaraang taon.
Nakapagtala rin ito ng 33% o P1 billion increase sa net premium written sa kaparehong taon, mula P3 bilyong piso noong 2021 na naging P4 bilyon noong 2022.
Mayroong net worth na P41 bilyon noong 2022, sa ngayon, ang GSIS ang “biggest non-life insurer” sa bansa.
“I commend the men and women of GSIS who made this achievement possible. During my oath taking as head of GSIS in July 2022, one of the marching orders that President Marcos gave me was to provide insurance cover to all government properties. And we have been making headways in complying with the president’s directive,” ayon kay GSIS President and General Manager Wick Veloso.
Bilang pagtugon sa kautusan ng Pangulo, kaagad na sinimulan ni Veloso at ng kanyang general insurance teams ang nationwide aggressive campaign at ginawang triple ang pagsisikap ng GSIS sa marketing ng non-life insurance products nito.
Sa katunayan, naglibot na si Veloso sa iba’t ibang lugar sa bansa at nakipagpulong sa maraming local government officials upang kumbinsihin ang mga ito na i-insure ang anilang mga properties sa GSIS.
Kasabay nito, muli namang pinagsama-sama ni Veloso ang kanyang insurance teams at hinikayat ang mga ito na lumabas at i-merkado ang non-life insurance products.
Pinarangalan naman ni Veloso ang mga top performers na nakabuo ng bagong insurance businesses tuwing weekly flag-raising ceremony.
Pinaigting naman ng GSIS ang pagsasagawa ng online at face-to-face insurance marketing caravans sa buong bansa, mayroong 2,500 property officers ang nakiisa. Kasama rito ang regular training at capacity-building workshops ng property officers mula sa ibang government agencies upang tiyakin na ang lahat ng government assets ay “adequately and comprehensively covered.”
“As a result of these initiatives, GSIS generated the bulk of big ticket accounts (with premium of above five million) in the second half of 2022. These included Philippine Statistics Authority, Philippine Reclamation Authority/CAVITEX Infrastructure Corp, Hann Philippines, Inc., Eastern Visayas Regional Medical Center-Tacloban, Vicente Sotto Memorial Medical Center-Cebu, Quirino Memorial Medical Center, Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services, Philippine Coast Guard Marine Hull Fleet, PPA – Global Port, and additional assets of the Quezon City government,” ni Veloso.
Sa ilalim ng RA 656 (Property Insurance Law), “GSIS is mandated to insure all properties, assets, and interests of the government against any insurable risk.”
Nag-aalok naman ang GSIS ng insurance coverage gaya ng “fire, engineering, marine hull, marine cargo, aviation, bonds, motor car, personal accident, contractor’s all risks, at comprehensive general liability insurance.”
Para sa iba pang katanungan ukol sa non-life insurance programs ng GSIS, ang mga miyembro, ang interested parties ay maaaring bumisita sa GSIS website (www.gsis.gov.ph) o GSIS Facebook page (@gsis.ph), email gsiscares@gsis.gov.ph, o tumawag sa GSIS Contact Center sa 8847-4747 (kung sa Kalakhang Maynila ), 1-800-8-847-4747 (para sa Globe at TM subscribers), o 1-800-10-847-4747 (para sa Smart, Sun, at Talk ‘N’ Text subscribers). (Daris Jose)
-
Ads October 31, 2024
-
Medical community highly supports reinstatement of school-based immunization program for HPV to combat cervical cancer in the Philippines
IN A concerted effort to fight cervical cancer, medical societies and health advocates are in full support of the reinstatement of the School-Based Immunization Program (SBIP) targeting girls aged 9 to 14 for HPV vaccination. This initiative is crucial, as cervical cancer remains a significant public health concern in the Philippines, claiming the lives of […]
-
LRT 1 expanded Baclaran depot nagkaroon ng inagurasyon
NAGKAROON ng inagurasyon noong Miyerkules ang expanded na Light Rail Transit Line 1 Baclaran depot na isa sa mga vital components ng LRT 1 Cavite extension project. Kasama ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade sa inagurasyon sila Japanese Ambassador Koshikawa Kazuhiko, Light Rail Manila Corp. (LRMC) president at CEO Juan […]