• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

US pinasabog ang ‘spy balloon’ ng China

ISANG Chinese ‘spy balloon’ na pumasok sa airspace ng Amerika noong Enero 28 ang pinasabog ng US military aircraft nitong Sabado sa Surfside Beach South Carolina, US.

 

 

Ayon sa Pentagon, ang hakbang na ito ng Beijing ay hindi katanggap-tanggap at paglabag sa soberanya ng US.

 

 

Nabatid na unang nag­labas ng kautusan si US Presidente Joe Biden na pasabugin ang lobo ngunit inirekomenda ng Pentagon na maghintay hanggang magawa ito sa open water upang maprotektahan ang mga sibilyan mula sa mga debris.

 

 

Sa footage na ipinalabas ng mga telebisyon sa US, makikita ang balloon na bumabagsak sa karagatan, kasabay ng pangamba ng US officials na kapag pinabagsak nila ito ay makadamay ng iba pang tao at makasira ng ari-arian na mababagsakan sa lupa.

 

 

Pinuri ni Biden ang mga fighter pilots sa ilang araw na paglipad sa kaulapan at dagat na sakop ng Estados Unidos.

 

 

Sabado ng hapon nang pansamantalang isara ang tatlong paliparan sa lugar na tinawag ng Federal Aviation Administration na isang “national security effort.”

 

 

Napag-alamang mara­ming fighter at refueling aircraft ang kasama sa misyon ngunit ang isang F-22 fighter jet lamang mula sa Langley Air Force Base sa Virginia ang tumarget sa lobo gamit ang isang AIM-9X supersonic.

 

 

Tinawag naman ni US Secretary of Defense Lloyd Austin ang operasyong ito na “deliberate and lawful action” kasunod ng aksyon ng China na tinawag namang “unacceptable violation of our sovereignty.”

 

 

Matatandaang sinabi ng US na may binabantayan silang malaking Chinese “surveillance balloon” sa himpapawid ng US.

Other News
  • Ads July 20, 2022

  • Naghatid-tulong din sa mga nasalanta ng bagyo: Sen. IMEE, nagbigay-pugay sa mga guro kasama ang anak na si MICHAEL

    BIDANG-BIDA ang mga guro at serbisyo publiko sa pinakabagong vlog entries ni Senator Imee Marcos sa kanyang official YouTube Channel.   Nitong Oktubre 5 (Miyerkoles), nagbalik si Attorney Michael Manotoc kasama ang kanyang ina habang pinagdiriwang nila ang World Teacher’s Day.   Ginunita ng mag-ina ang kanilang makulay na mga karanasan bilang mga estudyante at […]

  • Babaeng football referee sa Japan labis ang kasiyahan matapos mapili na maging referee sa World Cup

    LABIS ang kasiyahan ni Yoshimi Yamashita matapos na mapili bilang kauna-unahang babaeng professional football referee ng Japan.     Ang 36-anyos na si Yamashita ay napiling magiging referee ng World Cup na gaganapin sa Qatar sa buwan ng Nobyembre.     Kasama nitong napili sina Stephanie Frappart ng France at Salima Mukansanga ng Rwanda.   […]