• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Caritas Philippines, kasama sa mag-iimbestiga sa drug war killings sa bansa

TIWALA  ang development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na tuluyan ng mabibigyan ng katarungan ang mga biktima ng war on drugs ng dating administrasyong Duterte sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng International Criminal Court sa drug war killings sa bansa.

 

 

Ito ang mensahe ni Caritas Philippines executive director Rev. Fr. Antonio Labiao, Jr. matapos na aprubahan ng Pre-Trial Chamber (PTC) ng International Criminal Court na ipagpatuloy ni ICC Prosecutor Karim Khan ang imbestigasyon sa marahas na war on drugs.

 

 

“The resumption of the probe will allow due process to run its course and ensure justice and truth will prevail,” ang bahagi ng pahayag ni Fr. Labiao.

 

 

Pagbabahagi ng Pari, ang naturang hakbang ay isang paraab  upang tuluyan ng mapanagot at maparusahan ang lahat ng sangkot sa naging talamak na extra judicial killings sa bansa.

 

 

Umaasa din si Fr. Labiao na sa pamamagitan ng imbestigasyon ay muling maibalik ang integridad at tiwala ng taumbayan sa pamahalaan lalo’t higit para sa pagkakaroon ng transparency at patas na katarungang panlipunan.

 

 

“This is a step in the right direction to promote transparency, fairness, and trust in public institutions.” Dagdag pa ni Fr. Labiao.

 

 

Kaugnay nito, kabilang ang ilang institusyon ng Simbahang Katolika sa bansa sa bumubuo sa Technical Working Group on Human Rights na nangangasiwa sa pagbubuo ng isang human rights campaign at nakikipag-ugnayan sa UN Joint Programme on Human Rights para sa pagkakaroon ng suporta sa pagsusulong ng edukasyon, capacity building, documentation of cases, resource mapping, at pagbibigay ayuda sa mga biktima ng human rights violations sa Pilipinas.

 

 

Pinangungunahan ang nasabing Technical Working Group on Human Rights ng Caritas Philippines, CBCP, katuwang ang Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP), Swiss Catholic Lenten Fund, Bicol Consortium for Development Initiatives (BCDI) Inc., at ang Task Force Detainees of the Philippines.

 

 

Matatandaang inakusahan ng crimes against humanity si dating Pangulong Duterte at dating Philippine National Police chief at incumbent Senator Ronald “Bato” Dela Rosa dahil sa mga kaso ng extrajudicial killings na may kaugnayan sa War on Drugs na inilunsad kasabay ng pagsisimula ng dating administrasyong Duterte noong taong 2016.

 

 

Sa pagtataya ng pamahalaan aabot lamang sa mahigit 6,000 ang nasawi sa War on Drugs ng nakalipas na administrasyon na taliwas sa datos ng mga human rights groups sa bansa kung saan aabot sa mahigit 30,000 indibidwal ang naitalang namatay. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Other News
  • WBC inatasan ang paghaharap ni Ryan Garcia kay Isaac Cruz

    INATASAN ng World Boxing Council ang lightweight title eliminator sa pagitan nina social media sensation Ryan Garcia at Isaac Cruz.     Ang 23-anyos na si Garcia na sumikat sa Instagram at Youtube ay mayroong professional record na 22 panalo at walang talo na mayroong 18 knockouts.     Huling laban nito ng talunin niya […]

  • PDu30, patuloy ang ginagawang paglilinis sa pamahalaan

    PATULOY ang ginagawang paglilinis ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa pamahalaan.   Sa katunayan, binasa at inisa-isa ni Pangulong Duterte ang mga pangalan ng mga sinibak sa tungkulin dahil sa iba’t ibang reklamo.   “Well, just to show that we are in the process of still cleansing government, ang na-dismiss sa service, si Rodrigo — […]

  • ‘Safe, secure PH’, maiiwang pamana ni Pangulong Duterte- Malakanyang

    SINABI ng Malakanyang na ang maiiwang pamana ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga Filipino ay ang “safe and secure” na Pilipinas.     Ito’y matapos na sabihin ng Commission on Human Rights (CHR) na ang iiwanang pamana ng Pangulo ay ang gobyernong nabigo na magampanan ang obligasyon para protektahan ang karapatang-pantao at mayroong panghihikayat […]