Fans nila, maghihintay kung mapagbibigyan ang wish: SHARON at LORNA, gustong makapag-guest din sa ‘Batang Quiapo’ ni COCO
- Published on February 7, 2023
- by @peoplesbalita
MATAGAL na ring magkasama sa work, ang real-life sweethearts na sina Ruru Madrid at Bianca Umali.
Pero ngayon lamang sila magsisimulang magtrabaho as partners sa upcoming series na “The Write One,” kaya kung excited ang mga RuCa fans, excited din silang dalawa.
“Sanay kasi kaming dalawa, ‘yung pahinga ng isa’t isa. Hindi kami sanay na kami ‘yung magkatrabaho,” natatawang wika ni Bianca.
Si Ruru naman, labis ang pasasalamat sa GMA Public Affairs na siyang nag-produce ng serye: “Ang sarap ng Public Affairs kasi nakikita mo young growth na magkakasama kayong lahat.”
Si Ruru ay unang bumida sa GMA Public Affairs’ fantasy action series na “Lolong,” na balitang magkakaroon ng part two.
Makakasama rin ng RuCa ang isa pang real-life couple, ang tambalan nina Mikee Quintos at Paul Salas, na una namang nagkasama sa “The Lost Recipe,” pero ngayon lamang sila gaganap as a couple.
At para sa 80s babies, tiyak na trip down memory lane ang muli namang pagtatambal ng real-life couple na sina Lotlot de Leon at Monching Gutierrez.
At ngayong may partnership na ang Kapuso Network sa video streaming service na Viu, ang “The Write One,” ay unang mapapanood sa kanila. Susundan ito ng “Love Before Sunrise” na una namang pagtatambal nina Dennis Trillo at Bea Alonzo sa GMA Network.
***
NAKATUTUWA naman ang mga mahuhusay na actress na sina Megastar Sharon Cuneta at Lorna Tolentino, gusto raw nilang makapag-guest sa “Batang Quiapo” ni Coco Martin for the Kapamilya Network.
Matatandaan na parehong nagkaroon ng participation sina Sharon at Lorna sa “FPJ’s Ang Probinsyano” ni Coco.
Payag nga si Sharon kahit daw ang maging guest role niya, ay maging tindera lamang siya sa Quiapo.
At si Lorna, sana raw ay tulad din sa nakaraang serye, kinuha lamang siyang guest sa simula, pero naging regular na ang character niya hanggang sa pagtatapos ng serye.
Nagsimula nang mag-taping ang “Batang Quiapo” at tiyak na naghihintay na ang mga fans nina Sharon at Lorna, na kunin nga sila muling makabilang sa cast ng action series ni Coco, na una ring ginawa ng yumaong si Fernando Poe, Jr.
***
INI-ENJOY ng mga regular viewers araw-araw, ang panonood ng number one game show in the Philippines, ang “Family Feud” hosted by Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.
Dahil talaga namang nakatutuwa ito at enjoy din ang viewers na makisagot sa mga tanong ni Dingdong sa mga contestants.
Kaya ngayon, mismong si Dingdong na ang nag-announced that viewers can now join as studio contestants. Sa interview ni Lhar Santiago kay Dingdong sa Chika Minute ng 24 Oras, sinabi niyang “open na po ang Family Feud para sa mga viewers. Sila mismo ang contestants sa studio.
Kailangan lamang ang mga fans ay mag-submit ng kanilang video to the Family Feud Philippines Facebook page, bisitahin lamang nila ang GMANetwork.com/FamilyFeudAuditions.
“Siyempre, sasalain natin kung sino ‘yung pinakakwela at sila ang magiging contestants,” dagdag pa ni Dingdong.
“Sali na at mag-enjoy kayong maging contestants ng ‘Family Feud’ na napapanood Mondays to Fridays, 5:40PM sa GMA-7.”
Meanwhile, inamin ni Dingdong na bukod sa “Family Feud” at “Amazing Earth” programs niya, naka-line up na raw ang gagawin niyang movie this year, at isa pang project na makakasama na niya ang wife niyang si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera.
(NORA V. CALDERON)
-
Mahigit 8M, mga nabakunahan sa tatlong araw na National Vaccination day
UMABOT sa 8, 014, 751 ang mga nabakunahan sa katatapos lang na 3 day Bayanihan, Bakunahan. Sinabi ni DOH Undersecretary Myrna Cabotaje sa Laging Handa Public briefing, na ang higit 8 million recorded jabs ay “as of 6am” pa lamang ng Disyembre 3. Hindi pa aniya pumapasok ang iba pang data lalo na […]
-
PSC, POC magba-bubble sa Japan
MAGTATAYO ng training bubble ang Philippine Sports Commission o PSC at Philippine Olympic Committee o POC sa Japan para sa mga qualified at hahabol mga na atleta para sa 32nd Summer Olympic Games 2021 sa Tokyo. “Kung open na ang travel, why not join other tournaments,” wika nitong Huwebes ni POC president Abraham (Bambol) […]
-
Netflix, Launching One New Film Every Week This 2021!
NETFLIX, streaming site announced that they will be launching one new title for every week of 2021, giving 52 films featuring some of today’s best stories and brightest stars! The exciting lineup, as teased on the sneak peek uploaded by Netflix, goes from rom-com and comedy to superhero films and thrillers. Check it […]