• April 4, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Miles, agaw-eksena ang kahusayan sa maaksyong pilot episode: Celebrity screening ng ‘Batang Quiapo’ nina COCO, suportado ng mga big stars

KAHAPON, ika-7 ng Pebrero, ginanap ang star-studded celebrity screening ng inaabangang primetime series na ABS-CBN series na “Batang Quiapo” sa TriNoma Cinema 7.
Pinangunahan ito ng Hari ng Primetime na si Coco Martin at ng kanyang newest leading lady na si Supreme Actress Lovi Poe kasama sina Ms. Charo Santos-Concio, John Estrada, at Cherry Pie Picache.
Kasama rin sa screening ng punum-puno ng aksyon at madramang isang oras na pilot episode sina Sen. Lito Lapid, Mark Lapid, Pen Medina, at McCoy de Leon.
Hindi talaga matatawaran ang husay ng Hari ng Primetime sa mga action scenes, sa simula pa lang ng serye, na ilang minuto ang tinagal, kakaibang Coco na astig na astig at nakakatakot na pagganap.
Sa pilot episode mapapanood ang  back story nang unang character na gagampanan ni Coco, na later on sa pagtanda ay magiging si Drama King Christopher de Leon.
Pero ang agaw-eksena ay si Miles Ocampo na napakahusay ang pag-atake bilang Maritess na ilang ulit na pinalakpakan, na sinuportahan nina Ejay Falcon at Precious Lara Quigaman.
Buung-buo rin ang suporta kay Direk Coco ang mga dating cast members ng kanyang nakaraang serye na “FPJ’s Ang Probinsyano” na pinangunahan nina Megastar Sharon Cuneta, John Arcilla, Ara Mina, Rosanna Roces, Angel Aquino, Michael de Mesa, Jaime Fabregas at marami pang iba.
Tapos na nga ang paghihintay, dahil magsisimula nang ipalabas ang “FPJ’s Batang Quiapo” sa Lunes, Pebrero 13, sa TV5, A2Z at sa Kapamilya channel online.
Kalahating taon na pala mula nang matapos ang makasaysayang pitong taon ng “FPJ’s Ang Probinsyano”
Sa kalalabas lang na trailer ng palabas, inaasahang mahihirapan ang karakter ni Coco sa kanyang pamilya, dahil mahihirapan ang karakter niya na makipag-bonding sa kanyang ama (John), at kapatid (McCoy).
Sa trailer, pinasulyap din ang mga karakter sa action-serye tulad ng mga ginampanan ni Charo at Cherry Pie (bilang lola at ina ng aktor).
Nakaka-LSS at nakaka-touch ang napiling themesong ni Coco, ang version ng “Kapalaran” ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano, na muli niyang ni-record para sa naturang teleserye.
Ang orihinal na “Batang Quiapo,” na pinagbidahan ng ama ni Lovi, ang yumaong Hari ng Pelikulant Pilipino na si Fernando Poe, Jr. kasama si Diamond Star Maricel Soriano, na hopefully soon ay maging part din ng newest series ni Coco.
(ROHN ROMULO)
Other News
  • Marcos admin, sisimulan na ang EDSA rehabilitation ngayong 2025 —DPWH

    SISIMULAN na ng gobyerno ng Pilipinas ang mga major infrastructure project ngayong taon kabilang na rito ang ‘complete rehabilitation’ ng EDSA. Sa isang panayam sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manny Bonoan na ang pagpapahusay sa kalidad ng pagsakay sa EDSA ay kabilang sa mga priority project […]

  • Manila Mayor Honey Lacuna, ibinida ang mga nagawa sa Maynila sa kanyang SOCA 2024

    IBINIDA ni Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan sa kanyang ikatlong State of the City Address (SOCA) ang ginawa ng kanilang administrasyon hinggil sa pagpapahusay sa serbisyong pangkalusugan, de-kalidad na edukasyon, pagpapasigla sa turismo, libo-libong trabaho, at pagtatayo ng mga pampublikong gusali, na ginanap sa Philippine International Convention Center (PICC) nitong Hulyo 30, 2024.   […]

  • Mayweather nag-alok na sagutin na ang funeral service ni George Floyd

    Nag-alok si US boxing champion Floyd Mayweather Jr sa pamilya ng pinatay na black American na si George Floyd na kaniyang sasagutin ang funeral service nito.   Sinabi nito Mayweather na ito ang isa sa tanging maitutulong niya sa nasabing pamilya.   Labis-labis kasi ang hinagpis na kaniyang naramdaman sa nangyari kay Floyd na nasawi […]