• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, nakikita ang mababang power rates sa Mindanao sa paglulunsad ng WESM

SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang paglulunsad ng  Wholesale Electricity Spot Market (WESM) sa Mindanao ang magsisilbing hudyat para sa  investments at economic activity sa rehiyon, partikular na sa manufacturing at iba pang  energy-intensive industries.

 

 

Ayon sa Pangulo,  ang WESM sa kalaunan ay makalilikha ng hanapbuhay at oportunidad para sa mga residente at maging makaaapekto sa  power pricing lalo pa’t hinihikayat nito ang generators na makipag- compete at magbenta ng kanilang electricity sa mababang presyo “to secure a dispatch schedule.”

 

 

“Indeed, the presence of WESM in Mindanao and an interconnected and interdependent grid in the country will not only ensure a level playing field in the competitive energy market but will also provide assurance to investors,” ayon kay Pangulong Marcos sa  ceremonial launching ng WESM sa Mindanao Grid sa Palasyo ng Malakanyang.

 

 

“In the long run, WESM will help in sustaining power generation investments to meet the ever-growing electricity demand,” dagdag na wika nito.

 

 

Ang paliwanag naman ng Presidential Communications Office (PCO), ang WESM ay isang centralized venue para sa  trading electricity para sa  large-scale buyers at sellers at naglalayong magtatag ng “competitive, efficient, transparent, at reliable market” para sa elektrisidad.

 

 

“With the integration of the three main grids in WESM, the country can hopefully achieve its goal of having a joint WESM for the entire country and of attaining total capacity for the Philippines’ power demands,” ayon sa Pangulo.

 

 

Aniya pa, ang paglulunsad ng WESM ay isa ring mahalagang hakbang  para i- rationalize ang  power capacity at distribution ng bansa, umaasa na ang pagbaba ng fuel prices sa world market ang magiging daan para sa mababang  power costs  hindi lamang para sa industrial user kundi maging sa  household consumers.

 

 

Sinabi pa ng PCO na ang  Mindanao ay mayroong electrification rate na 87% at ang WESM sa Mindanao ay magkakaroon ng “crucial role” sa matagumpay na operasyon ng Mindanao-Visayas Interconnection Project (MVIP) lalo pa’t pinapayagan nito ang “efficient transmission and settlement” ng  electricity exchanges.

 

 

Sa ngayon, ang Mindanao ay mayroong 4,321 megawatts ng registered capacity, habng ang peak demand naman nito ay  2,167 megawatts lamang.

 

 

“With the establishment of WESM in Mindanao,  around 2,000 megawatts of uncontracted capacities can be sold in WESM and be dispatched at any given time, providing supply to distribution utilities, electric cooperatives and other end-users when their contracted power plants are not available,” ayon sa PCO.

 

 

Samantala, itinatag ng gobyerno ang WESM sa Luzon noong 2006, dahilan upang ang Pilipinas ay maging “first developing nation” sa Asya  na matagumpay na naipakilala ang WESM.

 

 

Taong 2010, naitatag din ang WESM  sa  Visayas.

 

 

Sa presensiya ng  WESM sa Mindanao, sinabi ng Pangulo na “looking forward” ang bansa  na makompleto ang MVIP sa pagtatapo ng Marso ngayong  taon,  na mapakikinabangan ng Mindanao at Visayas sa pamamagitan ng transmisyon ng electric power sa pagitan ng mga islang ito. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Other News
  • POC board may sey sa eleksyon

    BAHALA na ang Executive Board ng Philippine Olympic Committee (POC) sa kahihinatnan sa planong eleksiyon na nahaharap sa panibagong problema sa parating na Nobyembre 27.   Ito ay makaraan na isang miyembro ang nagpahayag na iatras ang halalan dahil sa kasalukuyang Covid-19 base general assembly ng pribadong organisasyon sa sports sa nakaraang Miyerkoles.   “It […]

  • MAHIGIT 1 MILYON NAKIISA SA KAPISTAHAN NG NAZARENO

    UMABOT sa mahigit isang milyong deboto ang nakiisa at nagtungo sa limang araw na aktibidad ng Quiapo church para sa Pista ng Poong Itim na Nazareno.     Sa inilabas na crowd estimate ng Quiapo Church Operation Center kung saan kabuuang 1,268,435 ang mga nagtungo para dumalo sa mga aktibidad.     Sa Quiapo church […]

  • May book signing and tour sa ibang bansa: PIA, pinasilip na ang magiging book cover ng upcoming novel

    PINASILIP ni Pia Wurtzbach ang magiging book cover ng kanyang upcoming novel na may titulong ‘Queen of the Universe: A Novel: Love, Truth, Beauty.’     Sa kanyang Instagram account, nag-share si Miss Universe 2015 ng photos na hawak niya ang kanyang libro na may pink cover at white silhouette ng isang babae.     […]