• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P10K ayuda ng DSWD sa 160 indigent patient sa NKTI

PINAGKALOOBAN  ng Department of Social Welfare and Deve­lopment (DSWD)  ng tig-P10,000 pinansiyal na tulong ang nasa 160  indigent patient na kasalukuyang nagpapagamot sa National Kidney Transplant Institute (NKTI) sa East Avenue Quezon City.

 

 

Mismong sina Pa­ngulong Ferdinand Marcos Jr. at DSWD Secretary  Rex Gatchalian ang personal na nag-abot ng P10,000 bilang bahagi ng Assistance to Indivi­duals in Crisis Situation kasabay ng anibersaryo ng  naturang ospital noong Lunes.

 

 

Bukod dito, magbibigay din ng medical assistance ang DSWD sa iba pang mga nangangailangan ng medical assistance, burial, transportation at educational assistance.

 

 

Noong nakaraang taon, umabot sa 5,336, 381 ang nabigyan ng tulong ng ahensya sa ilalim ng DSWD- AICS.

 

 

Tiniyak din ng DSWD na patuloy na aalalay ang ahensya sa publiko na walang kakayahan na tustusan ang kanilang pangangailangan. (Daris Jose)

Other News
  • Nagbabalik na ang ‘Iconic Pair’ ng PH Cinema: Patikim ng bagong TVC nina JOHN LLOYD at BEA, inilabas na

    NASA Instagram na ng Jollibee ang bagong TVC ng mga new Kapuso actors na sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo.      Ito ang shoot nila two weeks ago na akala ng mga netizens na nakakita ay nagsu-shoot na sila ng movie nila sa Star Cinema.     Tiyak na ikatutuwa ng mga viewers […]

  • Business tycoon na si Enrique Razon, nagboluntaryong magpagamit ng sariling barko at eroplano

    IBINALITA ng Malakanyang sa publiko na nagbigay na ng kanyang commitment para makatulong sa pamahalaan ang business tycoon na si Enrique Razon. Ito ang ipinarating na ulat ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa harap ng nakagiya ng pagkuha ng gobyerno ng bakuna kontra sa COVID 19. Batay sa ipinresentang […]

  • Malaking karangalan na i-celebrate ang achievements niya: Fil-Am singer na si H.E.R., cover girl ng VOGUE Philippines

    ANG Grammy and Oscar winning Filipino-American singer na si H.E.R. ang cover ng VOGUE Philippines para sa buwan na ito.       Isang malaking karangalan kay H.E.R. (Gabriella Sarmiento Wilson in real life) ang maging cover girl ng naturang magazine na sine-celebrate ang kanyang mga naging achievements sa larangan ng musika.       […]