• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM ibinahagi ang mga tagumpay sa kaniyang pagbisita sa Japan

IBINAHAGI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga tagumpay ng kanyang pagbisita sa Japan at iniulat na mabilis na madarama ng mga Pilipino ang mga resulta nito.

 

 

Nasa 35 na kasunduan ang nilagdaan ni PBBM at kanyang delegasyon kasama ang Japanese government at private sector.

 

 

Bukod pa rito, nagsilbing pagkakataon ang kanyang official visit upang mailatag ang “blueprint” ng ugnayang Philppines-Japan sa pagbangon ng dalawang bansa sa epekto ng pandemya.

 

 

Sa kabilang dako, nakatakdang rebyuhin ng Pilipinas ang “tripartite agreement” sa dalawang kaalyadong bansa ang Estados Unidos at Japan.

 

 

Sinabi ng Pangulo, ‘maraming iba pang isyu” na ibinangon ng delegasyon ng Pilipinas sa Tokyo ay ang pagpapatibay ng mga alyansa sa mga matagal nang kasosyo nito.

 

 

Sinabi ng chief executive na ito ay bahagi ng isang patuloy na proseso upang makagawa ng higit pang mapagtibay ang pakikipagtulungan at alyansa ng dalawang bansa.

 

 

Nauna nang nagkasundo sina Pangulong Marcos at Japanese Prime Minister Fumio Kishida na palakasin ang ugnayan ng depensa at seguridad ng Maynila at Tokyo. (Daris Jose)

Other News
  • MARIAN, naging ‘big influence’ para magpa-vaccine na rin ang ina ng isang netizen; siya lang daw pala ang sagot

    DAHIL sa nakapagbakuna na si Marian Rivera kasama ang kanyang asawang aktor na si Dingdong Dantes, marami nga ang naenggayo na magpabakuna na rin.     Ayon sa tweet ng netizen na si Carlo, napapayag na raw magpa-vaccine ang mommy nito nang makitang natanggap na ng Kapuso Primetime Queen ang first dose ng Covid-19 vaccine: […]

  • Star-Studded na ‘The 7th EDDYS’, mapapanood sa ALLTV ngayong Linggo, July 14

    MATAPOS ang matagumpay na The 7th EDDYS (Entertainment Editor’s Choice) nitong Hulyo 7, 2024 na ginanap sa Ceremonial Hall ng Marriott Grand Ballroom, Newport World Resorts, sa Pasay City, mapapanood na ang kabuuan nito ngayong Linggo, July 14, 10 p.m. sa ALLTV mula sa direksyon ni Eric Quizon.   Star-studded ang Gabi ng Parangal para […]

  • PBBM, nagtalaga ng ilang bagong opisyal sa CICC ng DICT

    PATULOY na pinupunan ni Pangulong Ferdinand  Marcos Jr. ang mga bakanteng posisyon sa pamahalaan.     Sa katunayan, nagtalaga ang Pangulo ng ilang bagong opisyal sa Cybercrimes Investigation and Coordinating Center na nasa ilalim ng Department of Information and Communication Technology (DICT).     Sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, kabilang sa mga itinalaga ng […]