‘Friends’, nai-record uli after four decades: JACKIE LOU, labis-labis ang pasasalamat kay SHARON sa kanilang duet
- Published on February 14, 2023
- by @peoplesbalita
PAGKARAAN ng apat na dekada, muling nai-record ni Megastar Sharon Cuneta ang kanyang ’80s hit na “Friends,” na kung saan kasama ang matalik na kaibigan na si Jackie Lou Blanco.
Sa Instagram ni Sharon, ibinahagi nga niya ang ilan sa mga lines ng song, na isinulat ni George Canseco para sa kanilang 1983 Viva Films na “Friends In Love”, na naging daan para sila’y maging magkaibigan.
Napapanood ang official music video sa official YouTube channel ni Sharon.
Sa kanyang post last week, “Others would call this a duet. I prefer to call this version done ‘by Jacquilou Blanco featuring Sharon Cuneta.’ It’s also my first music video since the one I did for the theme song of my movie, ‘Caregiver’ in (was it?) 2008!
“Abangan nyo po! I tweaked a couple of lines in the song written by the great George Canseco for our movie ‘Friends In Love’ to turn it into a song about just real friendship,” sabi niya.
“I might be wrong — but I don’t think there’s been a song about just friendship in years! So here’s @jackielou.blanco‘s and my surprise for you.”
Sa comment section ng post, nagpasalamat si Jackie Lou kay Sharon.
“From the bottom of my heart, Mama @reallysharoncuneta. Your doing this with me is what has made this song so special. From my heart that is filled with so much joy, Thank you so much!!! I love you Mama. Like you said, I hope they all enjoy our surprise,” say ng aktres.
Iba’t-iba naman ang naging reaction netizens na yun iba ay natuwa at may nag-nega rin..
“Ang cringe…”
Anong cringey? Mga hilaw s experience at friendship gaya mo makaka comment ng ganyan.”
“kung ipinanganak ka na nung panahon ng “friends in love” at nasundan mo ang careers nila, you will not say that.”
“Saan diyan ang cringe? Ang ganda Ganda ng bagong version eh!”
“Darating talaga tayo sa certain age ng buhay naten na magiging sentimental tayo lalo sa mga past memories natin. At ang swerte mo pag narating mo yung age.”
“i remember the movie, gandang ganda.”
“Ang OA naman nila sa video.”
“Yung mga nega ang reaction hindi naabutan malamang ang time na pinalabas ang Friends in Love the movie. It’s nice to see Jackie Lou and Sharon maintaining their bond and still singing beautifully.”
“Bakit may iyakan portion. Parang ang drama naman ng video. Sana plain and simple na lang.”
“Malamang kasi Di mo binasa ang sinulat ni Ate Shawie that they’ve lost touch with each other. They reconnected after many years!”
“As a naturally awkward person I felt uncomfortable watching this. But I am happy for their genuine friendship. Bilib ako sa mga tao who can do this kind of closeness na constant hugging and holding hands.”
“Sweet and refreshing to see. Isn’t it nice to rekindle old friendships.”
“I dunno about others, pero for me refreshing yung blending, refreshing silang 2 panoorin. And! I love it when people are given another chance at anything kahit anong age na nya, so kudos to Jacki Lou and so nice for Mega to help a friend out! Dami nang nega sa mundo, pati ba naman supposed good reunion binabash nyo? Hay!”
“For those saying it’s cringey…may not have had friendship that can be compared to theirs. For a person to have a true friend for over 5 years is a blessing already, what more for 4 decades? #friendshipgoals.”
(ROHN ROMULO)
-
Los Angeles Lakers eliminated na sa NBA playoffs matapos pahiyain ng Phoenix Suns
TULUYANG naitsapuwersa sa play-in tournament ng NBA ang Los Angeles Lakers matapos na pahiyain ng Phoenix Suns, 121-110. Para naman sa Suns napatibay pa ang hawak nitong record bilang best team sa liga nang maiposte ang ika-63 nilang panalo ngayong season. Hindi pa rin kinaya ng Lakers na mapigilan si Devin […]
-
PBBM at TRUMP, hindi napag-usapan ang mga Filipino na ilegal na nananatili sa Estados Unidos
HINDI NAPAG-USAPAN nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at US President-elect Donald Trump ang tungkol sa mga Pinoy na ilegal na nananatili sa Amerika. Nagkausap kasi sina Pangulong Marcos at Trump sa telepono bago pa pumunta sa Virac Sports Complex sa Barangay Francia sa Munisipalidad ng Virac, Catanduanes ang una para mamahagi ng government assistance […]
-
6 arestado sa sugal at shabu sa Malabon
Arestado ang anim na sugarol kabilang ang apat na babae matapos makuhanan ng shabu sa isinagawang anti-illegal gambling operation ng pulisya sa Malabon city. Kinilala ni Malabon police chief Col. Albert Barot ang naarestong mga suspek na sina Joel Mahusay, 43, (user), Benjamin Dela Cruz, 22, garbage trader, Jean Rose Almonte, 21, Elsie […]