Pinas, malapit na sa rice self-sufficiency sa loob ng 2 taon kung ikakasa ang ‘major reorganization’- PBBM
- Published on February 17, 2023
- by @peoplesbalita
NANINIWALA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na malapit na ang bansa sa rice self-sufficiency sa loob ng dalawang taon kung ipatutupad ng gobyerno ang “major reorganization” sa ahensiya nito.
Ang pahayag na ito ng Pangulo ay kasunod ng pakikipagpulong sa mga opisyal ng Department of Agriculture (DA) at National Irrigation Administration (NIA) sa Palasyo ng Malakanyang.
“From that discussion, we have begun to put on the timetable of what are the things that we need to do. And sa aming calculation, kung magawa natin lahat ng kailangang gawin — kasi marami tayong kailangan ayusin, marami tayong ire-reorganize — pero kung magawa natin lahat ‘yan, we will be close to self-sufficiency for rice in two years,” ayon kay Pangulong Marcos.
“There’s a great deal of work to do pero nakikita na namin kung papaano gagawin. So that’s what we will work on for now,” dagdag na wika nito.
Sinabi pa ng Punong Ehekutibo na kailangan ng plano ng “cooperation, convergence, and coordination” kasama ang DA, NIA, Department of Public Works and Highways (DPWH), at National Economic and Development Authority (NEDA).
“So our next meeting will be that. Nandiyan na lahat ng mga concerned agency and we will present the timetable as to what needs to be done, what forms of coordination need to be done,” dagdag na wika nito.
Ayon sa Malakanyang, ang gobyerno ay nagpapatupad na ng estratehiya para itaas ang rice production, gaya ng “convincing irrigators associations (IA) and farmers to plant hybrid rice, adopting alternate wetting and drying as a water-saving technology for irrigated lands, harvesting in September during the wet season, and ratooning after the wet season harvest.”
Ang rice ratooning o sagibo ay ang pagpapatubo ng bagong suwi o uhay mula sa mga pinaggapasan ng pangunahing tanim o main crop at maging sa second crop ng palay.
Sa ratooning, hindi na kailangang dumaan pa sa paghahanda ng lupa, pamumunla, at pagtatanim, at mas kaunting pataba ang kailangan kaya mas matipid. Bukod dito, sa tag-ulan at tag-araw, maaari ring umani ng katumbas sa 20 hanggang 60 porsyento ng main crop. Mas mabilis din itong anihin dahil 45-60 araw lang matapos i-ratoon, ay maaari nang anihin.
Sinabi pa n Malakanyang na ang NIA ay may total investment pledge ng mahigit sa ₱1 trillion mula sa potential private partners, kung saan papayagan ang ahensiya na isulong ang irrigation projects nito ng walang restriksyon sa limitadong funding.
“As of Dec. 31, 2021, tinatayang may 2.04 million hectares (ha), o 65% potential irrigable area ng 3.13 million ha ng bansa ang na-develop. May 1.5 milyong magsasaka ang nakinabang dito.
Tinatayang may 1.09 million ha, o 35%, ng natitirang lugar ang nananatiling kailangang i-develop.
-
Bong Go: POGO isarado kung perhuwisyo
HINIMOK ni Senator Christopher “Bong” Go ang gobyerno na maingat na balansehin ang perhuwisyo at benepisyo na hatid ng mga Philippine offshore gaming operations (POGOs) sa bansa at tiyakin kung napananatili nito ang kapayapaan at kaayusan, gayundin ang pangangalaga sa buhay ng mga tao. Ani Go, kung pulos kaperhuwisyuhan lamang at wala nang […]
-
ENTER THE RED DOOR, CATCH MIDNIGHT SCREENINGS OF INSIDIOUS: THE RED DOOR ON JULY 5
MIDNIGHT is the witching hour! Be among the first to see Insidious: The Red Door by booking tickets for July 5, at 12:01 am, in these participating cinemas: AYALA MALLS CINEMA GREENBELT 3 EVIA LIFESTYLE CENTER FISHERMALL CINEMA QC NOMO LIFESTYLE CENTER SM CINEMA BATAAN SM CINEMA CDO DOWNTOWN PREMIER SM CINEMA CEBU SM CINEMA CLARK […]
-
“Gat Marcelo, who holds the esteemed title of National Hero, should be our guide and beacon” – Fernando
LUNGSOD NG MALOLOS – “Si Gat Marcelo H. Del Pilar na ating pangunahing bayani na may hawak ng titulong Pambansang Bayani, siya ang gawin nating gabay at tanglaw. Ang kanyang kaisipan, paninindigan, at mariing pagtutol sa katiwalian at pag-abuso sa kapangyarihan ay patuloy na nagbibigay inspirasyon sa atin na ipaglaban ang tama at makatarungan.” […]