• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian at AFP chief Centino, nagpulong kasunod ng laser incident sa Ayungin Shoal

NAGPULONG sina Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian at Armed Forces of the Philippines (AFP) chief General Andres Centino kasunod ng kamakailan lang na isyu sa bahagi ng Ayungin Shoal kung saan tinutukan ng Chinese Coast Guard ng military grade laser light ang Philippine Coast Guard.

 

 

Ito ay matapos ang isinagawang courtesy visit ni Huang sa tanggapan ng Armed Forces of the Philippines sa Camp Aguinaldo, Quezon City.

 

 

Sa isang pahayag ay ibinahagi ng Chinese Ambassadro na kabilang sa kanilang ni Centino ang mga usapin hinggil sa military to military exchange at kooperasyon ng Pilipinas at China, at gayundin ang pagpapanatili ng kapayapaan at stability pagitan sa rehiyon.

 

 

Kung maalala, nitong February 6 lamang ay muling uminit ang tensyon sa pagitan ng dalawang bansa dahil sa panibagong panghaharass ng mga Chinese coast guard sa mga tauhan ng Philippine coast guard na mariing kinondena ng Armed Forces of the Philippines, at Department of National Defense.

 

 

Dahil dito ay ipinatawag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Huang sa Palasyo ng Malakanyang upang ipahayag ang kaniyang pagkabahala sa lumala at dumadalas na hindi magandang aksyon ng China sa mga tauhan ng Philippine Coast Guardt at mga Pilipinong mangingisda sa West Philippine Sea. (Daris Jose)

Other News
  • Nag-viral na video ni Kapitana, idinulog kay Mayora

    PINASISILIP ng ilang residente kay Taguig City Mayor Lani Cayetano ang umano’y walang habas na pagmumura at paninigaw  ng isang Kapitana ng isang  barangay sa mga kabataan sa Brgy. East Rembo.     Ito ay makaraang nag-viral ang isang video na inupload ng isang anonymous sender kung saan nagkaroon ng iringan  sa pagitan ng Kapitana […]

  • National Police Commission, kulang ng 50,000 personnel

    INIHAYAG  ng mataas na opisyal na kulang sa bilang na humigit-kumulang 50,000 police personnel ang National Police Commission (NAPOLCOM).     Ayon sa pahayag sa senado ni National Police Commission vice chairperson at executive officer Alberto Bernardo, mayroon silang 129,000 manning position para sa patrolmen at patrolwomen ngunit ang kasalukuyang bilang ng nasa nasabing posisyon […]

  • Hindi lang gawa ng European designers: HEART, binitbit ang local bag sa pagrampa sa Paris

    HINDI lang mga European designer bags ang bitbit ni Global fashion icon Heart Evangelista sa kanyang pagrampa sa Paris, kundi pati na ang gawa ng local bag designers ng Pilipinas.       Sa isang rampa ni Heart, bitbit nito ang isang bag na gawa ng isang student named Reese Collins Latonio, a BS Clothing […]