• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Para mapagaan ang entry of investments sa Pinas: PBBM, gusto agad na tugunan ng DTI ang ‘pain points’

NAGPASAKLOLO na si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.  sa  Department of Trade and Industry (DTI) para tugunan ang hamon sa  pagpasok ng investments sa Pilipinas.

 

 

Ito na kasi ang tamang  panahon para maglagay o magtayo ng green lanes para rito.

 

 

“Malinaw po ang instruction ng Presidente – he wants an all-of-government approach in addressing the ‘pain points’ – iyong ano ba iyong challenges ng mga namumuhunan sa Pilipinas,”  ayon kay  Vichael Angelo Roaring, kasalukuyang namumuno sa Foreign Trade Service Corps ng departamento.

 

 

Nauna nang sinabi ng Pangulo na lalagdaan niya ang isang executive order para isulong ang “ease of doing business” sa Pilipinas upang makapag-engganyo ng mas marami pang foreign direct investment.

 

 

Kabilang na rito ang pagtatayo ng green lane para sa  foreign investors, na para sa Malakanyang ay naglalayong “expedite and streamline the process and requirements for the issuance of permits and licenses.”

 

 

Magugunitang sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil, sa ilalim ng EO ay aatasan ang mga concerned offices na magtayo ng green lane upang mapabilis at mapadali ang proseso at requirements sa pagpapalabas ng mga permit at lisensya kabilang ang mga resolusyon sa mga isyu ukol sa strategic investments.

 

 

Para naman kay Board of Investments Director Ernesto Delos Angeles, dapat itong samahan ng batas, umaasa na makapagre-regulate rin ito ng “consultants” na makatutulong sa  entry ng mga negosyo sa bansa.

 

 

Ang mga consultants na ito ayon kay Delos Angeles ay hindi accredited ng gobyerno  at ilan sa mga ito ay mayroong hawak na permit o lisensiya na pabor sa iba.

 

 

“Dapat siguro panahon na magkaroon ng enabling law na may nagri-regulate ng mga sa consultancy pagpasok sa pagninegosyo; kasi mayroon tayo sa importation, mayroon tayo sa employment pero sa pagninegosyo—kaya minsan ang ranking natin bumababa,” ayon kay Delos Angeles.

 

 

Mahalaga rin aniya ang local government units (LGUs) sa paghahatid ng bagong  investment opportunities dahil ilan sa mga hamon ay nagsimula mismo sa mga ito.

 

 

“Dito ang unang bottleneck eh ‘no, sa LGU. Kapag hindi po iyan binigyan ng permit o building permit, hindi po magkakaroon ng katuparan iyong mga negosyo… Minsan kasi may mga ordinansa o policy ang mga LGU na hindi align sa ginagawa ng national government agency,” ayon kay Delos Angeles.

 

 

Layon ng Chief Executive na muling buhayin ang  manufacturing sector na nakatuon sa “green at innovative services,” lalo na sa  renewable energy, ayon naman sa  Board of Investments.

 

 

Nais naman ng Pilipinas na i-promote ang mineral processing at makahikayat ng battery manufacturers sa  electric vehicle industry.

 

 

“The current administration is seeking to create “green jobs” as well as upskill or reskill the workforce as “there is no silver bullet” to solving the country’s economic woes,” ang nauna namang pahayag ni Pangulong Marcos.

 

 

“The Philippine economy is seen to grow “around 7 percent” this year, ” dagdag na pahayag ng Pangulo nang magpartisipa sa  World Economic Forum.  (Daris Jose)

Other News
  • Ads April 18, 2024

  • Ukrainian paralympic athletes tuloy pa rin ang laban kahit may kaguluhan sa kanilang bansa

    NAGING  malaking hamon para sa atleta ng Ukraine na lumalahok ngayon sa Winter Paralympics.     Ito kahit nagwagi sila ng siyam na medalya sa dalawang biathlon events.     Isa rin sa mga manlalaro ang nalungkot matapos na malaman na ang kaniyang ama ay inaresto ng mga sundalo ng Russia.     Hindi na […]

  • PAKISTANI, INARESTO SA PAG-OPERATE NG SHOP NA WALANG VISA

    INARESTO ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Pakistani dahil sa pag-operate ng kanyang shop na walang kaukulang visa.     Sa ulat na isinumite kay BI Commissioner Jaime Morente ng  BI Intelligence Division Chief Fortunato Manahan, Jr. kinilala ang Pakistani na si Nasir Khan, na inaresto sa kanyang ika-25 mismong araw […]