• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DepEd, ipauubaya na sa OSG ang paghahain ng kaso hinggil sa biniling ‘pricey’ laptop

IPAUUBAYA na ng Department of Education (DepEd) sa Office of the Solicitor General (OSG) ang paghahain ng kaso laban sa mga opisyal at tauhan na sangkot sa di umano’y biniling overpriced laptop.

 

 

Sa isang Viber message, siniguro ni DepEd spokesperson Michael Poa na handa silang tanggapin ang official report ng  Senate Blue Ribbon Committee. Ito’y may kinalaman ukol sa pagbili ng laptop ng DepEd sa pamamagitan ng Procurement Service – Department of Budget and Management o PS-DBM noong 2021.

 

 

“The filing of cases against past and present officials of the DepEd, as recommended by the Senate Blue Ribbon Committee, will be referred to the Office of the Solicitor General (OSG) for evaluation and appropriate action,” ayon kay Poa.

 

 

Tiniyak din ni Poa na kagyat na kumilos ang DepEd laban sa mga opisyal at tauhan na di umano’y sangkot sa nasabing usapin.

 

 

“There is a pending administrative case against one DepEd employee involved in the procurement,”  dagdag na wika nito.

 

 

Sa ulat, nauna nang inirekomenda ng Senate Blue Ribbon Committee ang pagsasampa ng kasong graft laban sa ilang incumbent at dating opisyal ng DepEd at PS-DBM bukod pa rito ang mga kasong falcification of public documents at perjury,

 

 

Samantala, tinitingnan din ng DepEd ang napaulat na may isa pang set ng laptops ang ibinenta sa Cebu.

 

 

“The department is now coordinating with relevant law enforcement agencies to apprehend the perpetrators,” ayon kay Poa.

 

 

Kinumpirma naman ng  DepEd  ang napaulat na pagbebenta ng laptops sa isang surplus store, orihinal na binili para sa  DepEd Computerization Program. (Daris Jose)

Other News
  • Miss na miss nang mag-shooting kasama sina Alden: SHARON, pinagpapahinga ng doctor at bawal munang magsalita

    ILANG araw na ngang masama ang pakiramdam ni Megastar Sharon Cuneta kaya natigil muna siya pagsho-shooting ng pelikula nila ni Alden Richards, na pasok nga sa eight entries sa Metro Manila Film Festival 2023.     Sa Instagram post ni Sharon, pinagpapahinga nga siya ng doktor at hangga’t kaya ay bawal muna siyang magsalita.   […]

  • Dito sila ng naglalagi ni Malia para magbakasyon: POKWANG, ipinasilip ang bonggang private resort sa Mariveles, Bataan

    TINOTOO pala ni Rita Avila ang pagsampal niya sa baguhang aktres na si Roxie Smith sa madramang eksena nila sa GMA teleserye na ‘Hearts On Ice’.   Kuwento ni Rita na gumaganap bilang istrikto at mapanakit na stage mother, pinaghandaan daw nila ni Roxie ang eksenang iyon. Kaya ready daw si Roxie sa mararamdaman niyang […]

  • P323 diskwento sa singil sa tubig, asahan sa buwan ng Abril – MWSS

    INANUNSIYO ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na nakatakda itong magbigay ng diskwento sa singil sa tubig sa buwan ng Abril para sa mga customer ng Maynilad Water Services Inc na saklaw ng Putatan Water Treatment Plant (PWTP) Supply Zone na nakaranas ng matagal na water service interruptions.     Sa isang statement, sinabi […]