• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Walang nakikitang masama sa naging rebelasyon ng ex-bf… BIANCA, sinabing kaibigan pa rin si MIGUEL at happy sa kani-kanilang buhay

WALA raw nakikitang masama si Bianca Umali sa ginawang rebelasyon ni Miguel Tanfelix tungkol sa naging relasyon nila noon.

 

 

Kinumpirma nga ni Bianca na naging sila ni Miguel noong magka-loveteam pa sila.

 

 

“I don’t think I have any comments, kasi, honestly, I saw his interview and what he said. Finally he was able to talk about what happened to us. It was an issue that was never talked about, really. It was never… parang walang assurance at all sa mga tao kung ano ba ‘yung talagang nangyari.

 

 

“And, I think, by his answer to that question about us, it answered so many delusions… mga theories ng mga fans noon. I have nothing else to say kasi, I think, I would answer the same thing na totoo naman lahat ng sinabi niya,” sey ni Bianca.

 

 

Sinabi rin ni Bianca na friends naman daw sila ni Miguel, pero hindi raw tulad sila matatawag na barkada.

 

 

“Well, of course I couldn’t say that we are friend-friends kasi we are not as barkada-friends. But we are friends sa loob ng network. And we don’t really see each other that often. So nagkakabatian.”

 

 

Ngayon at romantically linked si Bianca ngayon kay Ruru Madrid na kasama niya sa teleserye na ‘The Write One’, hindi naman daw niya maitatanggi na naging malaking bagay si Miguel sa career niya bilang artista. Ilan sa mga TV shows na pinagsamahan ng BiGuel loveteam noon ay ‘Nino’, ‘Once Upon A Kiss’, ‘Wish I May’, ‘Mulawin Vs. Ravena’, ‘Kambal Karibal’, at ‘Sahaya’.

 

 

“Because it is for how many years and it’s disrespectful naman din to him na i-disregard ‘yung presence na ‘yon. So I have nothing against him talaga. It’s more of I’m just happy we both have our own lives, our own partners. We both have grown, he has grown, and I think it shows so much in that interview,” sey pa ni Bianca.

 

 

***

 

 

KAHIT tatlo na ang mga anak ni Camille Prats, maipagmamalaki pa rin nito ang kanyang alindog.

 

 

Sa isang bakasyon sa Boracay kasama ang kanyang pamilya, hindi nangiming mag-bikini si Camille para ipakita na alaga pa rin niyang ang kanyang katawan sa edad niya ngayon na 37.

 

 

Maraming netizens ang humanga sa magandang hubog ng katawan ni Camille na parang wala pa itong inuluwal na tatlong bata.

 

 

At teenager na ang panganay niyang si Nathan (15 years old) kaya tuwing magkatabi raw sila ay para silang magkapatid lang.

 

 

Kaya sa muling pagbalik ni Camille sa paggawa ng teleserye, pinaghandaan niya ito ng husto. Nag-workout ito para makayanan niya ulit ang puyatan sa taping set ng ‘AraBella’ kunsaan kasama niya ang Kapuso teen stars na sina Shayne Sava at Althea Ablan.

 

 

Five years din daw na hindi gumawa ng teleserye si Camille. Huli niyang ginawa ay noong 2018 pa na ‘Ang Forever Ko’y Ikaw’ kunsaan naka-partner niya si Neil Ryan Sese.

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • MGA WANTED NA DAYUHAN, IPAPA-DEPORT

    INANUNSYO ng Bureau of Immigration (BI) ang pagkakaaresto ng apat na dayuhan na wanted ng awtoridad dahil sa kasong kanilang kinakaharap sa kanilang bansa.     Sinabi ni Immigration Commissioner Norman Tansingco, na ang apat na dayuhan ay nakatakdang ipa-deport pabalik sa kanilang bansa at inilagay na rin sila sa blacklist para hindi na makabalik […]

  • Kung noon ay sweet at parang may something sa kanila: SHERYL, nag-iba ang statement at happy sa relasyon nina JERIC at RABIYA

    NAGLABAS na ng official statement ang Aguila Artist Management ni Becky Aguila tungkol sa mga pamba-bash at isyu na ibinabato sa kanilang artist, ang Kapamilya star na si Andrea Brillantes.   Dahil sa pagiging all-out supporter ni Andrea sa kandidatura ni VP Leni Robredo, isa siya sa mga artista na talagang binabato ng mga grabeng […]

  • 23.9M stude naka-enroll na ngayong school year

    Nakapag-enroll na ang nasa 23.9 milyong estudyante ngayong paparating na school year sa gitna ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic, ayon kay Education Secretary Leonor Briones. Katumbas aniya ito ng 86.8 percent na nag-enroll noong nakaraang taon na mas mataas pa sa target na 80 percent. “People were saying, especially the left and the opposition, […]