Pinangunahan ni PBBM: KADIWA ng Pangulo, inilunsad na sa Cebu City
- Published on February 28, 2023
- by @peoplesbalita
OPISYAL nang inilunsad sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand R. Marcos ang “KADIWA ng Pangulo” sa Cebu City na layuning maipagpatuloy ang pagbibigay ng murang bilihin sa mga mamimili.
Sa naging talumpati ng Pangulo, sinabi nitong naging popular ang Kadiwa ng Pasko at hinahanap aniya ito ng mga tao kaya’t minarapat nilang ipagpatuloy ang programa na ngayo’y tinawag ng KADIWA ng Pangulo.
Maliban aniya sa pagma-market ng agricultural products sa KADIWA ng Pangulo ay mabibigyan din ng pagkakataon ang mga MSMEs para mai-market ang kanilang mga produkto.
Sa naturang aktibidad ay ibinalita rin ni Pangulong Marcos ang paglulunsad ng KADIWA para sa mga manggagawa.
Ito aniya ay pagsasanib-puwersa ng Department of Labor and Employment , DTI at Department of Agriculture sa gitna na rin ng target nilang lalo pang paramihin ang Kadiwa na ngayon ay nasa 500 na. (Daris Jose)
-
Ads November 4, 2021
-
Kailangang pondo para sa pagbabakuna sa 12 to 17 age bracket, huhugutin sa reserves ng gobyerno- DoF
SINIGURO ni Finance Secretary Carlos Dominguez kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte na may sapat na budget ang gobyerno sakaling umarangkada na ang pagbabakuna sa mga teenager. Pagtiyak ni Dominguez kay Pangulong Duterte, huhugutin sa reserves ang budget para sa pagbabakuna sa 12 to 17 age group. Aniya, sapat na ang reserve ng gobyerno […]
-
111 milyong Pinoy naserbisyuhan ng PhilHealth
NASA 111 milyong Pinoy sa buong bansa ang naserbisyuhan na ng PhilHealth. Ang ulat ay isinagawa sa ipinatawag na virtual press conference ng mga opisyal ng PhilHealth sa pangunguna ni President and CEO Atty. Dante Gierran, VP Dra. Shirley Domingo, EVP and COO Atty. Eli Dino Santos, SM Rex Paul Recoter, Dra. Mary […]