• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

7-araw na tigil pasada, ikinakasa ng ilang transport group

IKINAKASA ngayon ng ilang transport group ang isang linggong tigil pasada o pitong araw sa buwan ng Marso asais- hanggang a-dose para sa mga UV express at mga traditional jeepney sa bansa.

 

 

Ito pa rin ay bilang pagtutol sa inilabas ng Land transportation franchising and regulatory Board na memorandum circular 2023-013 sa Public Utility Vehicle Modernization program na hanggang Hunyo a-trenta na lamang.

 

 

Sa panayam sa transport group na Manibela na si Chairman Mar Balvuena, aniya ang dahilan umano ng gagawin nilang transport strike ay para mapansin at makita pa sila ng pamahalaan, kung ano nga ba ang kahalagahan ng mga sasakyan sa bansa. Sakripisyo rin umano ito sa mga driver na hindi papasada sa ilang araw gaya na lamang ng hindi pagpapasada sa gitna ng pandemya.

 

 

Nanawagan rin ang grupo sa pamahalaan na sana’y pagbigyan ang hiling na limang taon pa bago ipatupad ang Public Utility Vehicle Modernization program at sana’y mapakinggan sila hinggil sa iprenisinta nilang disenyo ng Jeepney na pasok naman sa standards at mas mura pa sa gagastusin sa nasabing programa.

 

 

Sa ngayon, patuloy ang pakikipaglaban ng mga transport group hinggil pa rin sa modernization program na inilabas ng LTFRB at ang patuloy na banta ng transporst strike sa buong bansa. (Daris Jose)

Other News
  • DBM: 4.4 MILLION HOUSEHOLDS, MAKIKINABANG SA P106 BILYONG PONDONG INILAAN PARA SA 4PS

    NAGLAAN  ang pamahalaan ng ₱106.335 bilyon sa ilalim ng FY 2024 General Appropriations Act (GAA) para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), na naglalayong tulungan ang mahigit 4.4 milyong karapat-dapat na pamilya sa buong bansa.       Binigyang-diin ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary […]

  • PILIPINAS SA ASEAN, PANGATLO SA VACCINATION ROLL

    PUMAPANGATLO ang Pilipinas sa ASEAN countries pagdating sa vaccination roll out ng COVID-19, ayon sa Department of Health (DOH).     Sa media forum ng DOH, sinabi Dr.Myrna  Cabotaje, head ng vaccine cluster ng ahensya na umabot na sa  1,456,793 ang nabakunahan  nang Sinovac at AstraZeneca.     Pangatlo ang Pilipinas sa Indonesia at Singapore […]

  • Presyo ng asin tumaas, pero suplay sapat – DTI

    IDINEPENSA  ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pangangailangan ng pagtataas ng presyo ng asin sa mga pamilihan at supermarkets.     Sa Laging Handa public briefing, iginiit ni DTI Undersecretary Ruth Castelo na ang mga gumagawa ng asin ay may anim na taon nang hindi nagtataas ng presyo kaya dapat maintindihan ang ginawang […]