• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Lolo at lola ng asawa, tiyak na tuwang-tuwa: KRIS, magiging nanay na at ‘di nila plinano ni PERRY

MAGIGING nanay na si Kris Bernal.

 

 

Ito ang announcement niya sa kanyang Instagram account at Youtube account.

 

 

Hindi raw nila plinanong mag-asawa kaya sobrang tuwa niya nang makita niya ang double lines nang mag-pregnancy test siya.

 

 

Tiyak naman na ikinatuwa ito ng kanyang mister na si Perry Choi at pamilya dahil parehong may edad na talaga ang lolo at lola nito na gusto nilang makita pa ang magiging apo sa tuhod sa kanya.

 

 

Sabi ni Kris, “It happened—we weren’t really “trying” but we were blessed with pregnancy! I can still remember I’ve felt a rush of different emotions when the test showed two lines.

 

 

“I already had suspicion weeks prior to finding out the good news but I was able to confirm it when something happened.”

 

 

Congratulations Kris & Perry!

 

 

***

 

ANG Instagram stories ba ni Rachel Carrasco na hininalang new partner ng husband ni Maggie Wilson na si Victor Consunji ay matatawag na “baby reveal?”

 

May koneksiyon kaya ang photo na ipinost niya sa kanyang Instagram stories kunsaan, nasa loob siya ng sasakyan at kandong ang obviously, infant pa na baby girl.

 

Makikita rin sa bandang likod ng sasakyan ang stroller.

 

Walang ibang nilagay na caption maliban sa “Day out with Mama.” So palaisipan pa rin kung ang baby na hawak niya ay anak nga niya or sa ibang baby.

 

 

Though, prior to that, may naging IG post din siya na mga larawan naman ng mga baby girl shoes na ang caption niya, “More deliveries today! I’ve traded in my shoes for these little size ones.”

 

Ang baby girl raw kayang hawak nito ay may koneksiyon sa post ni Maggie at paliwanag na rason niya kung bakit tumahimik muna siya sa social media because of a “newborn baby.”

 

Base naman sa mga comments, pinagtatalunan ng mga netizens kung ang baby ay kay Rachel nga o hindi. Kasi, ang sexy raw nito agad kung nanganak nga. Pangalawa, baka raw “iniinis” lang si Maggie kaya nagpo-post.

(ROSE GARCIA)

Other News
  • Locsin personal na nag-sorry sa Chinese government

    HUMINGI ng paumanhin si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. sa Chinese government sa mga maaanghang na pahayag nito sa kanyang tweet na may kaugnayan sa presensiya ng Chinese ships sa West Philippine Sea.   Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, personal na humingi ng dispensa o paumanhin si Locsin kay Chinese Ambassador to the […]

  • Spurs sunog sa Heat

    KUMAMADA si center Bam Adebayo ng season-high 36 points para banderahan ang Eastern Conference-leading Heat sa 133-129 paggupo sa San Antonio Spurs.     Nag-ambag si Tyler Herro ng 27 markers para ibangon ang Miami (40-21) mula sa 16-point deficit at resbakan ang San Antonio (24-37).     May 27 points din si Jimmy Butler […]

  • ‘Triangle of Sadness’ Premieres at QCinema Ahead of Nov. 30 Nationwide Release

    TBA Studios is bringing the critically acclaimed satirical dark comedy film Triangle of Sadness to the QCinema International Film Festival 2022, premiered as the festival’s opening film last November 17 at Gateway Cineplex in Quezon City.     While the premiere is by invitation, moviegoers can still catch the second screening of Triangle of Sadness […]