• June 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, nangakong walang mawawalan ng hanapbuhay sa PUV modernization

SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na titiyakin ng pamahalaan na walang driver ang mawawalan ng hanapbuhay at pangkabuhayan sa ilalim ng public utility vehicle (PUV) modernization program ng gobyerno.

 

 

Isa aniya sa concerns ng transport group  na inilahad sa meeting sa Malakanyang sa gitna ng tigil-pasada ay ang kawalan ng kakayahan ng mga jeepney drivers na makakuha ng modernized jeepney.

 

 

“Ang problema na kanilang sinasabi ay baka hindi sila mapautang para makabili ng bagong sasakyan kaya yan ang tinitingnan namin ngayon na tiyakin  na walang mawawalan ng trabaho dahil hindi nakabili ng electric vehicle pagdating ng panahon,” ayon sa Pangulo sa isang chance interview sa Quezon City.

 

 

“For now, the government is making sure that PUVs are safe are safe for commuters,” ang dagdag na wika ng Pangulo.

 

 

Pinasalamatan naman ng Pangulo ang transport groups  dahil winakasan na nito ang tigil-pasada matapos ang miting sa Palasyo ng Malakanyang.

 

 

Sinabi ng Pangulo sa transport groups  sa nabanggit na miting  na muling pag-aaralan ng gobyerno ang modernization program upang masiguro na hindi mahihirapan ang mga drivers at operators.

 

 

Ang desisyon na i-terminate ang tigil-pasada ay nangyari matapos na makipagpulong sina PISTON president Mody Floranda at MANIBELA leader Mrr Valbuena kay Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil, dating chairperson ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board. (Daris Jose)

Other News
  • LTFRB: Walang katotohanan na magkakaroon ng fare hike dahil sa PUVMP

    SINABI ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na walang katotohanan ang mga alegasyon ng grupong Piston at Manilbela na magakakaron ng pagtaas ng pamasahe dahil sa pagpapatupad ng public utility vehicle modernization program (PUVMP) ng pamahalaan. Binigyan diin ni LTFRB chairman Teofilo Guadiz III na walang katotohanan na tataas ng hanggang P25 pesos […]

  • Eight years ago pa huling naka-work sa teleserye: CARLA, excited sa muli nilang pagtatambal ni GABBY at kasama pa si BEAUTY

    EXCITED si Carla Abellana dahil sa muling pagtatambal nila na teleserye ni Gabby Concepcion na may title na ‘Stolen Life.’     Huli silang nagkasama ni Gabby ay sa teleserye na ‘Because Of You’ noong 2015. Kaya after 8 years ay balik ang tambalan nila na hinihintay ng maraming fans nila. At ang ka-love triangle […]

  • Laban ni Mayweather sa Dubai hindi natuloy

    IPINALIWANAG  ng organizer ng exhibition fight ni retired US boxer Floyd Mayweather ang hindi pagtuloy ng nasabing laban sa Dubai.     Ayon sa Global Titans Fight Series na kanilang kinansela ang nasabing laban ni Mayweather sa dating sparring partner nito na si Don Moore ay dahil sa pagpanaw ng nited Arab Emirates president Sheikh […]