• April 19, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, nakiisa sa buong mundo sa pagkilala sa papel ng mga kababaihan

SALUDO si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga kababaihan na patuloy na nagpapakita ng tapang at determinasyon sa kanilang  tahanan, trabaho, at komunidad.

 

 

Ito ang  naging posts ng Pangulo sa kanyang Facebook at Twitter account.

 

 

“Happy International Women’s Day!” ang post ng Pangulo kasama ang larawan ng kanyang may-bahay na si Unang Ginang  Liza Araneta-Marcos, at mga babaeng Cabinet officials kabilang na sina Vice President at  Education Secretary Sara Duterte, Migrant Workers Secretary Susan Ople, Presidential Communications Office Secretary Cheloy Garafil. Environment Secretary Maria Antonia Loyzaga, Budget Secretary Amenah Pangandaman, Health Officer-in-Charge Maria Rosario Singh-Vergeire, at Tourism Secretary Christina Frasco.

 

 

“International Women’s Day is celebrated every March 8 to recognize women for their achievements without regard to divisions, whether national, ethnic, linguistic, cultural, economic, or political,” ayon sa United Nations (UN).

 

 

Ang unang naitalang pagdiriwang ng International Women’s Day ay noong  1911 sa  Austria, Denmark, Germany, at Switzerland kung saan  mahigit sa milyong katao ang nagsama-sama para suportahan ang women’s rights.

 

 

Sa Pilipinas, ipinagdiriwang nito ang National Women’s Day tuwing Marso  8 sa pamamagitan ng  Republic Act No. 6949.

 

 

Proclamation 224 kung saan idineklara rin ang Marso 8  bilang “Women’s Rights and International Peace Day” at ang unang linggo ng Marso bilang Women’s Week habang ang  Proclamation 227 ay idineklara naman bilang “Women’s Role in History Month.”

 

 

“This year’s National Women’s Day celebration goes by a recurring theme from this year to 2028 namely “WE for gender equality and inclusive society”,  ayon sa  Philippine Commission on Women (PCW) website.

 

 

“WE” ay nangangahulugan na  Women and Everyone and Women’s Empowerment.

 

 

“The recurring theme aligns with the Philippine Development Plan 2023-2028, which aims for “deep economic and social transformation to reinvigorate job creation and accelerate poverty reduction by steering the economy back on a high-growth path.” ayon sa ulat.

 

 

“It also highlights that growth must be inclusive, building an environment that provides equal opportunities to all Filipinos and equipping them with skills to participate fully in an innovative and globally competitive economy,” ayon pa rin sa ulat. (Daris Jose)

Other News
  • P500 monthly ‘ayuda’ , iro-roll out bago matapos ang termino ni PDu30

    TARGET ng gobyerno na  i-rollout ang ipalalabas na P500 monthly cash aid  para sa mga low income families  bago matapos ang termino ni Pangulong  Rodrigo Roa  Duterte ngayong buwan.     Sa isang panayam, sinabi ni Department of Social Welfare and Development (DSWD)  spokesperson Director Irene Dumlao na nagpalabas ng  joint memorandum circular  ang Department […]

  • DOTr: 47.1 M na pasahero ang sumakay sa EDSA busway

    NAKAPAGTALA ang Department of Transportation (DOTr) ng 47.1 million na pasahero ang sumakay sa EDSA busway noong nakaraang 2021 na may daily average na 129,000 na katao ang gumamit ng EDSA busway.     “We are happy that many benefited and are continuously benefiting from EDSA busway, especially during this time of pandemic,” wika ni […]

  • Dapat may kanya-kanyang category ang beauty pageants: JEAN, nag-agree kay GLORIA na ‘di pabor sa bagong regulasyon

    DAHIL nalalapit na naman ang beauty pageant season dito sa Pilipinas, natanong namin si Jean Saburit, na Binibining Pilipinas-Young 1975, kung ano ang opinyon niya sa ilang beauty pageants ay pinapayagan nang sumali ang mga may asawa at anak, transgender women at maging ang mga senior citizens. “What,” bulalas ni Jean. “I didn’t know that! Pati sixty, […]