• March 30, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Na may kinakaharap na problema sa ibang bansa… DMW sa Hunyo pa pormal na sisimulan ang pagtulong sa mga OFW

MAGSISIMULA sa buwan ng Hunyo ang paghawak ng Department of Migrant Workers (DMW) sa paghawak ng Assistance to Nationals program na pinapatakbo ng Department of Foreign Affairs.

 

 

Sinabi ni DMW Secretary Susan Ople, na ngayong buwan sana ang pagsisimula ng paghawak nila ng programa subalit ito ay ipinagpaliban dahil kailangan pa nila ng panahon para magsanay ang kanilang tauhan sa nasabing trabaho.

 

 

Nararapat din aniya na pag-aralang mabuti ang mga sensitibong kaso na hawak ng DFA kung saan bubuo sila ng Technical Working group upang talakayin ang problemang kinakaharap ng mga overseas Filipino workers.

 

 

Magugunitang unang sinabi ng DFA na mayroong 83 Filipino ang kasalukuyang nasa death row sa iba’t ibang mga bansa dahil sa magkakaibang paglabag.

 

 

Pagtitiyak ng kalihim na gagawin nila ang lahat ng makakakaya para maiapela ang kaso ng mga OFW na nasa ibang bansa. (Ara Romero)

Other News
  • P709-M halaga ng assistance inilaan sa mga magsasaka at mangingisda na apektado ng bagyo

    NAGLAAN  ang Department of Agriculture (DA) ng mahigit P709 milyong halaga ng tulong at interbensyon para sa mga magsasaka na naapektuhan ng pananalasa ng supertyphoon Karding.     Sa ngayon, nasa P2.95 bilyon na ang pinsala sa agrikultura na dulot ni “Karding” basi sa pinakahuling datos ng kagawaran.   Idinagdag pa ng ahensya na ang […]

  • Duterte bakuna ng China ang ipapaturok

    Dahil mauunang duma­ting sa bansa ang Sinovac vaccine mula sa China, ito ang ituturok kay Pangulong Rodrigo Duterte, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.   Sinabi ni Roque na ang bakuna mula sa Russia at sa China ang pinagpipilian ng Pangulo.   “Si Presidente po malinaw, gusto nga niyang magpaturok kaagad. Gusto niya Tsino at […]

  • Nationwide earthquake drill sa ‘Big One’ ikinasa sa Marso 9

    BILANG paghahanda sa posibleng ‘Big One’ na tatama sa bansa, sinabi ng Office of Civil Defense (OCD) na isasagawa sa Marso 9 ang National Simultaneous Earthquake Drill (NSED).     Ayon kay OCD Joint Information Center head Diego Mariano, ang pagsasagawa ng quarterly nationwide earthquake drill ay paghahanda sa publiko sa posibleng malakas na lindol. […]