Walang trabaho sa Pilipinas lumobo sa 2.37 milyon
- Published on March 10, 2023
- by @peoplesbalita
LALO pang tumindi ang kawalang trabaho sa Pilipinas sa pagpasok ng 2023 matapos umabot sa 4.8% ang unemployment rate nitong Enero, ayon sa Philippine Statistics Authority.
Kapansin-pansing mas mataas ito kumpara sa nasa 4.3% lang noong Disyembre 2022 sa nakaraang Labor Force Survey ng gobyerno.
“Unemployment rate in January 2023 was estimated at 4.8 percent, translating to 2.37 million unemployed Filipinos,” ayon sa PSA, Huwebes.
“This estimated rate is lower than the unemployment rate reported in the same month in 2022 at 6.4 percent.”
Kahit tumaas, gumanda na ‘di hamak ang estado ng empleyo ng mga Pilipino kumpara noong kasagsagan ng COVID-19 lockdowns noong 2020 kung kailan sumirit ito sa 10.3% noong taong iyon.
Narito ang mga mahahalagang datos sa empleyo noong Enero:
Employment rate: 95.2
May trabaho: 47.35 milyon
Unemployment rate: 4.8%
Walang trabaho: 2.37 milyon
Underemployment: 14.1%
“Nakukulangan” sa trabaho: 6.65 milyon
Labor force participation rate: 64.5
Labor force: 49.72 milyon
Bumaba rin ang employment rate at employed noong nasabing buwan kumpara sa 95.7% bago matapos ang 2022.
“The number of underemployed persons or the employed persons who expressed the desire to have additional hours of work in their present job or to have additional job, or to have a new job with longer hours of work was registered at 6.65 million, translating to an underemployment rate of 14.1 percent in January 2023,” sabi pa ng ahensya.
Mas mababa ang kalidad ng trabaho sa ngayon kumpara sa 12.6% lang na underemployment noong Disyembre.
Inilabas ang mga naturang datos ilang araw matapos iulat na bumagal ang pagtaas ng presyo ng bilihin nitong Pebrero 2023 sa 8.6%, bagay na mas maigi kumpara sa inaasahang inflation rate ng Bangko Sentral ng Pilipinas na aabot sa 9.3%.
-
Lookout bulletin order vs 7 OVP officials, hiling
HINILING ng House Committee on Good Government and Public Accountability sa Department of Justice (DOJ) na magpalabas ng lookout bulletin order laban sa pitong opisyal mula sa Office of the Vice President (OVP) kaugnay sa imbestugasyon nito ukol sa alegasyon ng mismanagement ng government funds sa ilalim ni Vice President Sara Duterte. Ang kahilingan […]
-
Speech sa SONA, fine-tuning na lang-PBBM
FINE-TUNING na lang ang ginagawa nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., para sa magiging talumpati niya sa kanyang pangatlong State Of the Nation Address (SONA) sa darating na Lunes, Hulyo 22, 2024 sa Batasang Pambansang Complex sa Quezon City. “Tuloy tuloy pero yung kabuuan ng speech ko, tapos na. Fine-tuning na lang ang ginagawa […]
-
Cristiano Ronaldo, tinanghal bilang highest paid football player ng Forbes
Tinanghal bilang highest-paid football player ng Forbes magazine si Manchester United Forward Cristiano Ronaldo. Dahil dito ay nahigitan niya si Lionel Messi. Base sa Forbes sa mayroong kabuuang kita ito na $125 milyon kung saan $70 milyon ay mula sa kaniyang sahod at bonuses. Habang mayroong $110-M naman na […]