• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nasasaktan pa rin siya sa nangyari: ARRA, lost ang confused sa paghihiwalay ng PBA player bf na si JUAMI

LOST and confused daw si Arra San Agustin dahil sa pag-reveal niya na hiwalay na sila ng PBA player boyfriend niya na si Juami Tiongson ng Terrafirma Dyip.

 

 

October 2022 raw naghiwalay ang dalawa at inamin ni Arra na hanggang ngayon ay nasasaktan pa siya sa nangyari. Apat na taon din daw kasi silang nagkaroon ng relasyon.

 

 

“Last talk namin was first week of January, that’s when we we really cleared things out. Kasi ‘di ba kapag nagbe-break naman kayo minsan you go back and forth pa rin. It was painful in a sense na, sa sarili ko naisip ko na I can no longer find another man who’s exactly like him, ‘cause he’s my standard now. He’s so good, he’s really good, he’s a good guy, his family is good, he’s perfect,” sey niya.

 

 

Naging dahilan daw ng breakup nila ay ang pagiging busy ni Arra sa kanyang career. Naging dahilan daw ang trabaho para ma-outgrow nila ang feelings nila sa isa’t isa.

 

 

“In four years of my life parang lagi lang kaming nasa house, wala na masyadong growth. Pero dahil sa trabaho ko, I have to be proactive, so minsan nabe-blame ko siya dahil hindi ko nagagawa ‘yung ibang gusto kong gawin. Unahin ko pa rin ‘yung sarili ko dapat,” diin ni Arra.

 

 

Sey ng netizens na hindi dapat mag-alala ang ‘Mga Lihim Ni Urduja’ star na wala siyang karelasyon ngayon. Sa ganda niya, tiyak dahil tiyak na maraming pipilang lalake para ligawan siya.

 

 

***

 

 

IN-ANNOUNCE nina Jeffrey Hidalgo at Geneva Cruz na nagpaplano na sila ng isang reunion concert ng Smokey Mountain.

 

 

Gusto raw nilang magsama-sama ulit ang grupo na binuo ni National Artist Ryan Cayabyab. Huli raw silang nagsama-sama ay noong 2011 para sa isang earthquake relief fund for Japan. Sunod na ulit ay ang online reunion noong magkaroon ng pandemya in 2020.

 

 

Ayon kay Jeffrey, lima raw sa members ng group nila ang nandito sa Pilipinas at yung iba ay nasa ibang bansa na.

 

 

“Apat nandito sa Manila. Ako, si Gen, si Tony (Lambino) at saka si James (Coronel). Kami yung original. Si Jayson (Angangan) from the second group nasa Isabela.

 

 

“Pero ‘yung the rest ay nasa ibang bansa na. Si Chedi (Vergara) nasa Australia, si Shar (Santos) nasa States, at saka si Anna Fegi.”

 

 

Binuo ni Maestro Ryan Cayabyab noong 1989 ang Smokey Mountain at naging aktibo ang grupo hanggang 1995. Nakagawa sila ng six albums at unang pinasikat ng grupo ay ang song na “Kailan” nasundan ito ng “Paraiso”, “Better World”, “Da Coconut Nut”, “Kahit Habang Buhay”, “Tayo Na” at “Can This Be Love” na nagkaroon ng cover versions sina Sarah Geronimo, Juris, Ice Seguerra at Zephanie na ginamit bilang love theme ng GMA primetime teleserye na ‘Luv Is: Caught In His Arms.’

 

 

***

 

 

DALAWANG Hollywood icons ang magkasunod na pumanaw. Ito ay ang ‘70s TV star na si Robert Blake at ang Israeli actor na si Topol.

 

 

Pumanaw si Blake sa Los Angeles noong March 9 dahil sa heart failure. He was 89.

 

 

Nakilala si Blake bilang ang streetwise cop na si Tony Baretta sa crime series na Baretta na umere mula 1975 hanggang 1978. Nanalo si Blake ng Emmy Award for best drama series actor.

 

 

Nagsimula bilang child actor sa Hollywood si Blake hanggang sa makagawa siya ng maraming pelikula tulad ng Treasure of Sierra Madre. Huling pelikulang ginawa niya ay ang Lost Highway ni David Lynch noong 1997.

 

 

Noong 2001 kinasuhan si Blake sa pagplanong pagpatay sa second wife niyang si Booney Lee Baklet. Na-acquit siya sa naturang kaso noong 2005.

 

 

Pumanaw naman sa Tel-Aviv, Israel dahil sa Alzheimer’s disease ang nagbida sa 1971 musical na Fiddler On The Roof na si Topol noong March 8. He was 87.

 

 

Ang Israeli actor ang natatanging gumanap sa role na Tevye sa film and Broadway version ng Fiddler On The Roof. Tumanggap siya ng best actor nominations sa Oscars, Golden Globe at Tony Awards.

 

 

Born Chaim Topol, isa siyang stage actor at naging pinakasikat na aktor sa Israel. Lumabas din siya sa mga pelikulang Galileo, Flash Gordon, For Your Eyes Only, at sa mini-series na The Winds of War at War And Remembrance.

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Ads February 15, 2024

  • DOTR may mungkahi na babaan ang pamasahe sa PUVs

    ISANG internal memorandum ang ginawa ng Department of Transportation (DOTr) kung saan kanilang minumungkahi na babaan ang pamasahe sa mga public utility vehicles (PUJs) sa buong bansa.     Kinumpirma naman ni DOTr undersecretary Mark Steven Pastor na ang nasabing memorandum ay may katotohanan subalit hindi pa ito final at hindi pa official na dapat […]

  • Mga baril, bomba nahukay sa sugar mill ni ex-Governor Teves

    IBA’T ibang uri pa ng mga baril at pampasabog ang nahukay ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa sugar mill ni dating Negros Oriental Governor Pryde Henry Teves kamakalawa ng gabi sa Sta. Catalina, Negros Oriental.     Gamit ang backhoe, sinabi ni CIDG legal officer Col. Thomas Valmonte, nahukay sa […]