• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PNP handang magbigay ng seguridad kay Teves

TINIYAK ng Philippine National Police (PNP) na bibig­yan ng sapat na seguridad  si Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo “Arnie” Teves sa pagbabalik nito sa  bansa.

 

 

“We assure the family and loved ones of Congressman Teves na the PNP and other government forces [are] more than willing to provide security to him and hindi na niya kailangang mag-request,” ani PNP spokesperson PCol. Jean Fajardo.

 

 

Ayon kay Fajardo, siniguro ng PNP Deputy Chief for Operations na may probisyon ng paglalaan ng seguridad kay Teves subalit kailangan lang nilang malaman kung kailan ang uwi nito sa Pilipinas.

 

 

Sa ngayon hindi pa maliwanag ang pagbabalik sa  bansa ni Teves.

 

 

Ang travel clearance ni Teves ay mula Pebrero 28 hanggang Marso 9.

 

 

Sa Amerika ang huling lokasyon ni Teves na alam ng publiko. Nitong Biyernes, naglabas ng pahayag si House Speaker Martin Romualdez na nagsasaad na pinapauwi na niya ang mambatatas para harapin ang mga alegasyon sa kanya.

 

 

Napag-alaman sa PNP na nakikipag-ugnayan na sila sa mga malalapit kay Teves para malaman kung kailan ito darating sa bansa.

 

 

Lumilitaw sa pagsisiyasat na Disyembre 2022 pa under surveillance ng mga killers si Negros Oriental Gov. Roel Degamo bago ito mapatay noong Marso 4.

 

 

Apat na suspek ang hawak na ng mga awtoridad at isa ang nasawi sa engkuwentro habang nasa lima hanggang anim pa umanong indibidwal na sangkot sa krimen ang iniimbestigahan ng PNP. (Daris Jose)

Other News
  • Sultan Kudarat ‘buhay na pruweba’ ng ‘Unity at Work’ – PBBM

    PINURI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang provincial government at mga residente ng Sultan Kudarat para sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa lalawigan sa pamamagitan ng ‘unified efforts.’     Sa naging talumpati ng Pangulo sa isinagawang distribusyon ng financial assistance sa mga magsasaka, mangingisda at kanilang pamilya sa Sultan Kudarat Sports and […]

  • PBBM, bitbit ang tungkulin at responsibilidad sa gitna ng COVID-19 isolation

    TINIYAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa sambayanang Filipino na tuloy ang kanyang trabaho bilang halal na Pangulo ng bansa dahil bitbit niya ang kanyang tungkulin at responsibilidad sa gitna ng kanyang five-day isolation matapos na mag-positibo sa COVID-19.     Sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) na nag-positibo si Pangulong Marcos sa  COVID-19  […]

  • Ads April 22, 2023