• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, ipinag-utos ang pagtatayo ng 11 fish ports sa coastal provinces

IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.  ang pagtatayo ng fish ports sa  11 coastal provinces sa bansa para matugunan ang mga hamon na kinahaharap ng mga mangingisdang Filipino.

 

 

Binanggit ng Pangulo ang direktiba niyang ito sa isinagawang sectoral meeting, sa Palasyo ng Malakanyang, araw ng Martes, Marso 14.

 

 

Ipinag-utos ng Pangulo sa mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan na iprayoridad ang pagtatayo ng fish port sa 11 coastal provinces na naglalayong  “to capacitate and empower fisherfolks towards resiliency.”

 

 

Ipinag-utos din ng Chief Executive ang rehabilitasyon ng 20 identified municipal fish ports na tinawag bilang  traditional landing ports sa bansa.

 

 

Ang nasabing hakbang ayon sa Pangulo ay naglalayon na bawasan ang  post-harvest losses sa pamamagitan ng konstruksyon ng cold storage facilities sa fish ports sa buong bansa.

 

 

Ipinag-utos din ng Punong Ehekutibo sa mga ahensiya na magbigay ng  small-scale fisherfolks ice-making machines at matinding pagsasanay, at mamahagi ng  equipment upang maibaba ang post-harvest losses.

 

 

Ayon sa  Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), kabilang sa mga hamon na kinahaharap ng fisheries sector ay ang mababang huli ng mga isda, mataas na poverty incidence at post-harvest losses, kung saan, sa kasalukuyan ay 25 hanggang 40% ang nawawala o nalulugi kasama na ang  value chain.

 

 

Samantala, ipinresenta naman ng ahensiya sa Pangulo ang estratehiya para itaas ang  fish production sa pamamagitan ng  aquaculture ng  10%  annually sa loob ng anim na taon para makapag-ambag sa food security habang pinagagaan ang presyur mula sa “capture fisheries at enabling resources to recover.”  (Daris Jose)

Other News
  • KRIS, natuloy na rin ang paglabas sa GMA Network bilang co-host ni WILLIE

    GUMAWA ng pakikipag-usap si TV-host producer na si Willie Revillame, sa namamahala ng Clark International Airport sa Pampanga at sa Inter-Agency Task Force, para doon mag-show nang live,  ang kanyang Wowowin: Tutok To Win daily, 5:30 – 6:30 PM, habang naka-ECQ ang Metro Manila/NCR.     Kahapon, Sunday, August 8, doon din ginanap nang live […]

  • IATF, binago ang panuntunan para sa Green Lanes para sa international arriving passengers

    BINAGO ng Inter-Agency Task Force ang mga panuntunan para sa Green Lanes para sa international arriving passengers epektibo kahapon Oktubre 14, 2021.   Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na para sa mga fully vaccinated foreign nationals, ang negative RT-PCR test ay required na isasagawa sa loob ng 72 hours bago pa ang kanilang departure […]

  • TONI, inalala na pumipila noong bata pa sila ni ALEX para sa MMFF entries; nagpapasalamat na kasama uli ang movie nila

    EXCITED na sina Ultimate Multimedia Star, Toni Gonzaga, at ng Country’s Top Influencer, Alex Gonzaga sa pagpapalabas ng The ExorSis sa taunang Metro Manila Film Festival.      Mula ito sa Viva Films at TinCan Productions na pag-aari ni Toni at isa sa mga maswerteng napili bilang official entry sa MMFF 2021 ang The ExorSis na […]