Suplay ng isda sa Holy Week, sapat – BFAR
- Published on March 18, 2023
- by @peoplesbalita
TINIYAK ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na sapat ang suplay ng isda sa panahon ng Semana Santa.
Ayon kay BFAR spokesperson Nazario Briguera, kumpiyansa ang kanilang hanay na sapat ang suplay ng isda dahil binuksan na ang periodic closure sa pangingisda sa ilang lugar.
“Dahil nasa peak season tayo ngayon sa fishing activity. We expect na kaya nating punan ‘yung supply kahit tumaas ang demand sa Mahal na Araw,” pahayag ni Briguera.
Gayunman, sinabi ni Briquera, maaring maapektuhan pa rin ang suplay ng isda sa bansa dahil sa ilang balakid tulad ng nangyaring oil spill sa Oriental Mindoro.
Problema rin aniya ng mga mangingisda ngayon ang mataas na presyo sa produktong petrolyo at post-harvest losses.
Una nang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magpapatayo siya ng 11 cold storage facility para hindi masira ang mga huling isda. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)
-
National fencing team sasabak sa Olympic qualifying sa Uzbekistan
Umaasa ang Philippine fencing team na makakabiyahe sila sa Abril patungo sa Uzbekistan para sumabak sa qualifying tournament ng 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan. Sumulat na si Philippine Fencing Association (PFA) president at Ormoc City Mayor Richard Gomez kay Philippine Sports Commission (PSC) chairman William ‘Butch’ Ramirez. Lalahok ang mga […]
-
Ex-Pres. Arroyo, bagong Pres’l Adviser on Clark Programs and Projects – Duterte
Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo bilang Presidential Adviser on Clark Programs and Projects. Ito ang kinumpirma ni Sen. Bong Go. Nilagdaan ni Pangulong Duterte ang appointment paper ni Arroyo noong November 25. Inihayag ni Sen. Go, piso ang matatanggap na kompensasyon ni Arroyo kada taon. Magugunitang […]
-
PBBM, pinuri ang pagsisikap ng LGUs sa gitna ng pandemya
KINILALA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang aktibong mga hakbang ng local government units sa gitna ng COVID-19 pandemic. Personal na sinaksihan ni Pangulong Marcos ang 2022 Galing Pook Awards na isinagawa sa Ceremonial Hall sa Palasyo ng Malakanyang, araw ng Martes. “As your President, I’m deeply encouraged by the effective […]