• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sylvia at buong pamilya, proud na proud sa kanya: GELA, nakipagsabayan talaga sa husay sa paghataw kay AC

NAGPAKITANG gilas na nga sa husay sa paghataw si Gela Atayde, ang ikatlong anak nina Sylvia Sanchez at Art Atayde at nasaksihan ito sa iba’t-ibang panig ng mundo dahil sa ‘ASAP Natin ‘To’ noong Linggo, Marso 19.

 

 

Sa segment na ‘Clash Dance’ nakipagsabayan nga si Gela kay AC Bonifacio, na mahusay din sa kakaibang paghataw sa dance floor at may hashtag na #ACxGela.

 

 

Pinuri nga ang nakababatang kapatid nina Cong. Arjo Atayde at Ria Atayde ng mga celebrities, friends at netizens. Na mukhang namana talaga niya ang husay sa pagsasayaw kay Sylvia, bukod pa sa hilig niya sa pagluluto.

 

 

Sa IG post naman ni Gela, inamin nito na, “If you told me a year ago that I’d be here, I’d tell you you’re crazy. 😭❤️‍🩹”

 

Pero super happy nga siya sa experience niya dancing back-to-back with AC.

 

“So happy to have experienced this with you @acbonifacio ❤️ You’re definitely a star. It is a privilege to have had my first performance with you!! Love you my acbbgirl!! You make me so proud!!”

 

Dagdag pa niya, “Also wouldn’t have wanted to experience this without the best out there, @legitstatusph 💛💙 Always a pleasure dancing with you all, @__judittth @ethangnzlz @warikyla @jiggy_row @_jesserafael @annika.javier @jimloydtambot @aleeyounggg + kuya Dune (shoutout to my bestfriend @judddelosreyes for choreographing my part and for being my hype man forever)

 

“Thank you also, coach @vimirivera for the trust and for constantly supporting me in all that I do. Appreciate you always!!”

 

 

Of course, super proud mommy ang award-winning actress, na super post talaga at nag-invite sa mga friends na ‘wag palampasin ang first time na paghataw ni Gela sa “ASAP Natin ‘To”, kahit na sanay na itong mag-compete kasama ang grupo sa international competition.

 

 

Post nga ni Ibyang isang araw bago sumabak si Gela sa dance floor, “From dance class to the @asapofficial stage. I can’t wait to see these @legitstatusph dancers do what they do best. Go @ataydegela and @acbonifacio!”

 

 

Mukhang tuloy na tuloy na nga ang pagsabak ni Gela sa pag-aartista this year at hindi na talaga mapipigilan.

 

 

Matatandaan na last year ay magkasamang rumampa sa isang fashion event ang mag-ina para sa sikat na local clothing brand.

 

 

Caption nga ni Sylvia sa kanyang IG post, “To my dearest Gelatin—it was my honor to be with you in your first mainstream runway! I cheer you on — all the way!”

 

 

“This is just the beginning. I love you my Gelatin,” pahayag pa ng aktres gamit ang mga hashtag na #benchfashionweek2022, #proudmom ni @ataydegela, #blessing at #thankuLORD.”

 

 

At ngayong nakalabas na nga si Gela sa ‘ASAP Natin ‘To’, tiyak na nakatutok sa kanya ngayon kung ano naman ang magiging next project niya sa Kapamilya Network.

 

 

And infairness, kakaiba rin ang ganda ni Gela, na for sure mamahalin din ng madlang pipol.

 

 

At kapag nagsimula na siyang mag-artista, ma-pressure kaya si Gela sa husay sa pag-arte nina Sylvia, Ria at Arjo?

 

 

Well, ‘yan ang aabangan ng mga netizens…

 

 

Goodluck Gela!

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • LTO naka-alerto ngayong Semana Santa

    MAGPAPATUPAD ang Land Transportation Office (LTO) ng heighten alert sa Marso 31 bilang paghahanda sa Semana Santa.     Ayon kay LTO Chief Jay Art Tugade na ipapatupad nila ang “Oplan Biyaheng Ayos: Semana Santa and Summer Vacation 2023.” para matiyak na ligtas ang mga pasahero na uuwi sa kani-kanilang mga probinsiya.     Ilan […]

  • PBBM sa AFP: Manatiling matatag, huwag isuko ang misyon

    PINAALALAHANAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na manatiling matatag at huwag isuko ang misyon para masiguro ang depensa ng bansa laban sa banta at mga hamon. Sa isinagawang oath-taking ceremony ng newly promoted generals and flag officers ng AFP, sinabi ni Pangulong Marcos na ang Philippine military ay […]

  • POC isinama pa rin si Obiena sa mga manlalaro na sasabak sa SEA Games

    ISINAMA  pa rin ni Philippine Olympic Committee (POC) President Bambol Tolentino sa line-up ng mga manlalaro na sasabak sa Southeast Asian Games si pole vaulter EJ Obiena.     Kasunod ito sa pagtanggal ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) kay Obiena sa mga listahan ng mga atleta na maglalaro sa nasabing torneo na […]