• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LandBank, magbibigay sa mga batang ARBs ng P100K annual scholarship grant

MAGBIBIGAY ang state-run Land Bank of the Philippines (LandBank)  ng P100,000 halaga ng taunang  scholarship grants sa  60  mga bata na agrarian reform beneficiaries (ARBs), magsasaka at mangingisda taun-taon hanggang 2028. 
Sa ilalim ng Iskolar ng LandBank Program, pipili ang lender ng  60 scholars kada taon mula 2023 hanggang 2028, sa kondisyon na ang  P100,000  kada taon ay para sa allowance at gastos para sa mga libro, damit at iba pang  course requirements.
Ang mga  eligible para sa  grant ay mga anak at apo  ng ARBs o maliliit na magsasaka at mangingisda  na graduating  na high school students na may minimum average grade na  90% o nabibilang sa  top 10% ng kanilang klase.
Kailangan din na magsumite ng mga ito ng letter of endorsement mula sa kanilang  senior high school principal, ipasa ang admission requirements ng katuwang na State Colleges and Universities (SUCs), mayroong total family income  na mas mababa sa P300,000, at walang anumang  ibang  financial assistance, grant, o scholarship.
Ang mapipiling  scholars ay maaaring mag-enroll sa mga kurso gaya ng horticulture, animal science, food technology, data analytics, information technology, accounting, agribusiness management, at agricultural, IT, industrial o management, civil, at mechanical engineering.
Ang mga Iskolar ng LandBank graduates ay aalukin naman ng  on-the-job (OJT) training sa  LandBank branches at lending centers, kabilang na ng  partner agencies at institusyon.
“We want the Iskolar ng LandBank Program to create meaningful impact in the lives of deserving students who really need assistance the most,”  ayon kay LandBank President and CEO Cecilia Borromeo.
“We are now reaching out to our partner cooperatives, associations, and organizations in the agri sector to nominate dependents from among their members,” dagdag na pahayag nito.
Ang LandBank ay may mandato na i-promote ang countryside development habang nananatiling financially viable.
Ipinatutupad nito ang  comprehensive agrarian reform program (CARP), nagbibigay ng tulong sa  mga maliliit na magsasaka at mangingisda at nagsisilbing  official depository ng  government funds.  (Daris Jose)
Other News
  • Ads August 16, 2024

  • Pangarap niya na maging ganap na housewife: IVANA, maraming beses nang naloko at ginawa pang ‘sugar mama’

    SA kabila ng sexy image kunsaan nakilala si Ivana Alawi, inamin nito na ang pangarap niyang talaga, maging isang housewife.       Yes, ito ang inamin ni Ivana nang mag-mukbang vlog siya sa Youtube ni Dra. Vicki Belo. Biro pa ni Ivana, “since birth” ay dream na raw niyang talaga ang maging isang ganap […]

  • Comeback film ni SHARON sa Viva, balitang ididirek ni DARRYL YAP, Sharonians mega-react

    MARAMING Sharonians ang clueless about Darryl Yap, na supposed to be ay magiging director daw ni Megastar Sharon Cuneta sa isang movie to be produced by Viva.     Sino po ba si Darryl Yap? Ano ba ang kanyang claim to fame? Deserve ba niya na maging director ni Ate Shawie?     Eh baka […]